PROLOGUE:

642 11 6
                                    

A/N: Hello po! First REAL STORY ko po ito kaya sana'y patawarin niyo ako pag may mga maling grammars o kaya naman kapag naloloka na kayo dahil hindi niyo magets yung scenes.

Feel free po magsabi sakin ng mga mali. At sana basahin niyo hanggang huli. :)

DEDICATED nga pala itong prologue na ito kay @anchilita. Ang mahal na mahal ko na kaibigan sa mundo at mundo ng wattpad :D Hello *kaway-kaway!* Salamat sa lahat-lahat!

-Iska_26

-----

PROLOGUE:

BESTFRIEND:

Taong nandiyan palagi sa'yo.

Yung taong kaya kang intindihihin at tanggapin kahit gaano pa kasama ang ugali mo.

Yung taong nakakakilala ng totoong ikaw, dahil kumportable kang ipakita sakanya yung totoong ikaw.

Sa lahat ng tao, Siya lang ang may karapatang magdikta ng mga mali mo maliban sa sarili mo.

Siya lang ang kaya mong pagkatiwalaan dahil alam mong ligtas ang sikreto mo sakanya.

At higit sa lahat,

Siya yung magpapadama sa'yo na dapat kang mabuhay dahil anjan siya para bigyan ng kulay ang buhay mo.

Yun ang bestfriend para saakin.

MAHAL MO:

Siya ang magpapasaya sa'yo kahit hindi ka niya pinapasaya.

Siya yung magpapaniwala sa'yo sa mga imposibleng bagay.

Siya ang magpapabago sa'yo nang hindi mo mamamalayan.

Sakanya mo mararamdaman ang mabilis na pagtibok ng puso mo.

Sakanya magpopokus ang mundo mo.

Sakanya ka maaaring masaktan at maaring matuto.

Sakanya mo magagawa ang mga bagay na akala mo noon ay mali pero masaya pala gawin kung kasama siya.

Yun ang mahal ko para saakin.

Pero papaano kung papipiliin ka sa dalawa?

Sino ang pipiliin mo?

Bestfriend o Mahal mo?

Paano kung mahal ng bestfriend mo ang mahal mo?

Kaya mo parin bang ipaglaban ang nararamdaman mo sa mahal mo?

Ipaglalaban mo pa nga ba kung ikakasal na silang dalawa?

Papalayain mo nalang ba ang taong mahal mo upang maging masaya sila ng bestfriend mo?

O pipiliin mo ang mahal mo at saktan ang bestfriend mo?

"Summer, buntis ako. Nagalit sila Daddy kaya pinapa sunod kami ni Mommy sa states." Umiiyak na saad sakin ng bestfriend kong si Claudine.

"Sinong Ama?! May boyfriend ka?!" May panlalaki ng mga mata kong tanong.

Wala kasi siyang naikukwento saking boyfriend niya atsaka parehas kaming NBSB kaya nakakagulat.

"Sorry, Summer kung iiwan kita dito. Sana pag naipanganak ko na ang baby na 'to, matanggap mo parin ako. Sana ako parin yung bestfriend mo." Pahikbi hikbi niyang sabi.

Niyakap ko siya at hinimas ang likod nito. Ang lakas ng pag-iyak niya.

"Claud, kahit anong mangyari, ikaw ang bestfriend ko. Wala nang iba. Kahit magkaka-baby ka pa, ikaw parin si Claudine Manalaysay na labs na labs ko." Masaya kong sabi sakanya habang pinipigilan ang mga hikbi ko. Oo, naiiyak narin ako.

"Sorry talaga, Summer ha! Sorry." Sabi niya sakin habang nakayakap. Tapos kumalas siya, "Babalik ako! Promise!" Sabi pa niya.

"Sino ba kasing nakabuntis sa'yo?! Ayaw ka ba niyang panagutan?!" Tanong ko habang nagpapahid ng luha.

Umiling lang siya.

"Duwag pala siya eh! Sino ba ama niyan?! Sabihin mo dali!" Pagpilit ko sakanya.

Ngumiti lang siya. "Kasalanan ko naman eh! Makati kasi ako. Alam mo ba kung gaano ka-disapointed sila Daddy sakin?" Sabi pa niya.

"Makilala ko lang kung sino ang nakabuntis sa--" Pinutol niya yung sasabihin ko.

"Sum! Di mo na siya makikita okay?" Sabi niya.

"Huh?"

"Patay na ang ama ng dinadala ko." Sabi niya na ikinagulat ko.

*BEEP BEEP!*

Bumusina bigla ang sasakyan nila. Hudyat na yon para magpaalam kami sa isa't-isa.

Nagsimula na akong umiyak nun.

Absent kasi siya ngayon at pumunta lang dito sa school para ibalita iyon. Tapos ang masakit pa, ngayon na ang alis nila.

"Alis na ko, Sum. Mamimiss kita!" Umiiyak niyang sabi at yumakap ulit sakin. "I love you, Bestfriends forever!" Saad niya at kiniss ako sa cheeks.

"Bestfriends forever!" Pahikbi hikbi kong sabi. "Mamimiss din kita." tapos kiniss ko rin siya.

Tapos bigla siyang kumalas sa pagkayakap at tumakbo. Talaga ngang ayaw niya sa lahat ang nagpapaalam. Masakit nga talaga ang magpaalam.

Pansamantala munang paalam sa bestfriend ko. Mamimiss kita. :(

- -

Gusto niyo po bang ituloy ko?

VOTE. COMMENT. :)

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon