Summer's POV
*Paaaaaaak!*
Nag-echo sa buong kwarto ang lakas ng pagkakasampal sa akin ni Claudine.
Nagsimula ng umagos ang mga luha ko.
Nandito kami sa Hospital. Dito pa talaga kami nag-away sa tapat ni Paul na matagal ng natutulog. Mga 3hours pa lang naman.
Hindi ko alam kung bakit niya ako sinampal.
Hindi ko alam kung saan siya nakakakuha ng lakas para manampal.
Hindi ko alam kung bakit siya ang nananampal.
Na dapat ako ang gumagawa sa kanya niyan.
Pero wala eh. Mahina ako ngayon. Hinang-hina.
"How dare you Summer! Mahal ka ng tao! Bakit mo pinabayaan?! Hindi mo ba inisip ang pwedeng mangyari?! My God! Wala kang utak! Sarili mo lang ang iniisip mo!"Malakas na sigaw niya sa akin.
"Ano bang ikinagagalit mo?" Tignan natin kung magsisinungaling ka sa akin bestfriend.
"D-dahil kapatid ni Rain si Paul! At-"
*Paaaaaaaak!*
This time...Siya naman ang napatigil dahil sa pagsampal ko. Nagulat siya. Hindi ko kasi siya sinasaktan dati.
Sumobra lang kasi siya. Ang kapal ng mukha niya. Nagsisinungaling pa rin siya sa akin? Siguro kung hindi sinabi ni Winter ang lahat, Nagmumukha akong tanga dito.
"Aray ha! Ang tigas pala talaga ng mukha mo! At ang kapal din ng mukha mo Claudine! Ang kapal! Hindi ka man lang natatakot na magsinungaling sa akin?!"
"What? Totoo naman! Kapatid ni Rain si Paul! W-"
"Wag mo kong gawing tanga!! Oo dati kaya niyo akong gawing tanga sa harap niyo pero ngayon?! Hindi na! Dahil alam ko na ang totoo!"
Napatigil siya.
"....."
"Bakit wala kang masabi?! Ikaw pa ang may ganang magalit ah?! Akala mo ba gusto kong maaksidente si Paul?! Hindi! Nobody wants that to happen! Are you crazy?! Mahal ko siya! Pinagmukha mo pa akong tanga! Pinag-alaga mo ako ng anak mo samantalang ikaw, Nilalandi mo ang boyfriend ko! EX ka lang! And that means, Past! You don't have the rights to just have my boyfriend! Akala ko ba matalino ka?! At ang kapal mong manggamit! Manggagamit ka pala? Sa tagal nating pagkakaibigan, Hindi mo pala ako itinuring na ganoon? Ang sama mo. Ang sama-sama mo!"
"H'wag kang magsalita na akala mo hindi talaga kita itinuring na kaibigan. Kaibigan naman talaga kita! Kaya lang... Simula ng malaman ko na kayo pala ni Paul... Nag-iba na ang pagtingin ko sa'yo... Naging karibal na kita! Nagmahal lang naman ako.. Pero bakit parang hirap na hirap ko yun maramdaman? Gusto ko lang naman maramdaman ang magmahal at ang minamahal!"
Natahimik ako. Lahat naman ng tao gustong maranasan yun.
Bakit ba kasi kapag nagmamahal ka, Kasama lagi ang sakit.
Magkakambal ata ang Love and Pain eh.
"Nasaktan ako Claud. Hindi ko aakalaing ang boyfriend at bestfriend ko ang manloloko sakin. Ang laki-laki ng tiwala ko sa inyo! Mahal na mahal ko kayong dalawa. At hindi ko kakayaning may mawala sa inyo. Masyado kayong mahalaga sa akin..."
Patuloy na pagtulo ang luha ko.
"..Pero Bakit?... Ang sakit.. Hindi ko naman kayo niloko. Oo aaminin ko... Nagkakagusto na ako kay Rain.. Pero pinigilan ko... Kahit na mahirap.. Ngayon pang nalaman ko na siya yung matagal kong kababata na nawawala.."
"S-siya?"
"A-ano?"
"Rain!." Sabay na sabi namin Claudine.
"I..I..Ikaw si...Rem? Sumagot ka..Ikaw ba?"
"....O-oo Rain... A-ako nga."
Nabalutan ng katahimikan ang kwarto.
Shete.
Nabibingi ako.
Moment of truth na ba?
"Bakit hindi mo agad sinabi?"
"A-ayoko ng magulo ang buhay nating apat Rain. Kaya kahit pag-amin sayo na ako si R-rem, Hindi ko na ginawa. Kasi.. K-kasi akala ko.. Nagmamahalan kayo...Akala ko-"
"Puro na lang akala.. Akala ko ganito.. Akala ko ganyan... Damn that attitude of yours Summer!..." Nagulat ako.
Ano na naman bang kasalanan ko? Lagi na lang ba akong may mali?
Wala ng naging tama sa mga nagiging desisyon ko!
"...Bakit ka ba ganyan?! Masyado kang mapagbigay! Kaya maraming nanamantala sa ugaling mong yan dahil mas iniisip mo ang nararamdaman nila! Kung masasaktan ba sila.. Sasaya ba sila.. Dammit! Hindi mo ba iniisip ang sarili mo? Wala ka ng tinira sa sarili mo! Binigay mo sa kanila lahat ng pagmamahal mo!...Okay lang kung maging mapagbigay ka.. H'wag lang sosobra!.."
Tinamaan ako sa sinabi niya.
Napayuko na lang ako at tahimik na umiyak.
Lahat na lang ba ibinigay ko? Wala na ba akong tinira para sa sarili ko?
Nagiging mapagbigay lang ako.
Masama ba yun?
Sumobra na ba ako?
"So anong gusto mong mangyari ha Rain?! Sabihin mo! Nahihirapan na ako..." Mangiyak-ngiyak kong sabi.
"Sino kayo?" Dalawang salita lang na galing sa kanya na ikinagulat naming lahat.
----
2 Chapter + EPILOGUE! MATATAPOS NA ITO! :)
PINAG-IISIPAN KO PA KUNG ANO ANG UUNAHIN KONG IPUBLISH.
IS IT "I KILLED MY GIRLFRIEND"? OR THE "MARRYING RICH GIRL"?
TULUNGAN NYO NAMAN AKONG MAG-ISIP! COMMENT NYO PO PLEASE?!! :) SALAMAT! :)
-Iska_26 is ♥♥♥
BINABASA MO ANG
My Bestfriends Soon-to-be Husband
RomansaPa-paano kung papipiliin ka sa dalawa? Sino ang pipiliin mo? Bestfriend o Mahal mo? Paano kung mahal ng bestfriend mo ang mahal mo? Kaya mo parin bang ipaglaban ang nararamdaman mo sa mahal mo? Ipaglalaban mo pa nga ba kung ikakasal na silang dalawa...