#2

177 6 4
                                    

Claudine's P.O.V

"Anak, pumayag na ang dad mo." Sabi sakin ni Mommy habang buhat si Sky, ang 3 years old kong baby boy.

Bigla akong naiyak.

Thank God, after 4 years! Pinayagan niya rin ako!

Wala akong nasabi kundi yakapin si Mommy.

"Go, talk to your dad, anak." Sabi ni Mom, kaya nagnod nalang ako at pumasok sa office room ni Dad.

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Kumatok ako at binuksan ko ang pinto.

"D-dad." I utter.

Simula kasi nung mabuntis ako, nawala na yung closeness namin ni Dad. Naging cold na siya sakin at madalas lang niya akong kausapin. Pina-home schooled din niya ako kaya wala akong kaibigan dito kahit isa.

Pero kahit nagbago na siya towards sakin, I'll always be a Daddy's girl.

"Dad?" Ulit ko dahil hindi niya ata ako napansin kasi nakatakip sakanya yung dyaryo at nagbabasa.

Nang mapansin niya ako, binaba niya yung dyaryo at tinaasan ako ng kilay. Napalunok tuloy ako.

"T-thank you po d-dad." I gave a slight smile.

"For what?" He asked.

"F-for allowing me to go back to the Philippines." A tear fell from my eye.

"Come here." Sabi niya kaya kabado akong lumapit sakanya.

Lalo akong kinabahan nung tumayo siya at lumapit sakin.

"Dad, I'm really so-"

"I forgave you, Claudine. Patawarin mo rin sana ako sa mga nasabi ko sa'yo noon." Sabi niya habang yakap ako.

I hugged him back. "I love you, daddy. Thank you." Sabi ko at patuloy na umiiyak.

He broke the hug. "Where's my grandson?" Nakangiti niyang sabi.

Biglang lumundag yung puso ko sa tuwa! Finally! Tanggap na niya kami ng anak ko!

"Wait po!" Sa sobrang tuwa ko eh, tumakbo ako palabas sa room niya at kinuha si Sky kay Mom.

"O? Bakit anak? Anong nangyari?" Tanong ni Mom.

I just kissed her cheek. "Pinatawad na po ako ni Dad." I said then carry my baby boy papuntang room ni Dad.

"Dad." I exclaimed. "He's Sky. Your grandson." Tapos pinabuhat ko sakanya si Sky.

"Hello, Sky. I'm your handsome grandfather. Call me grandpa okay?" He smiled and kiss Sky on his forehead.

"Lo-lo!" Sabi ni Sky kaya napatawa ako.

"No, Sky. I want you to call me grandpa. Not lolo." Sabi naman ni Dad.

"Lo-lo. Lolo. Lo-lo." Kung nangiinis nga naman ang anak ko e, inulit pa talaga niya yung kaka-lolo niya.

"Fine. Lolo na nga lang. It's still the same." Dad chuckled.

Naiiyak nalang ako sa tuwa.

Maayos narin kaming mag-ama.

"I love you, Claudine. You, Sky and Rain can go back to the Philippines." He smile again.

I hug him. "Thanks dad." I kissed him on his cheeks.

"Makikita ko na rin si Summer! Magkikita na ulit kami ng bestfriend ko." Masaya kong sabi.

"Doon na rin kayo magpakasal ni Rain. I heard that your bestfriend is now a wedding designer." Sabi niya.

Napasimangot ako bigla.

Geez, akala ko okay na ang lahat.

Magpapakasal ako sa taong hindi ko naman mahal at inako pa ang obligasyon na maging ama ng anak ko.

Sana maging okay na talaga lahat.

- -

Dahil Christmas naman, Nagupdate na ako :3.

Merry Christmas sa Inyong lahat :) Lalong lalo na sa mga readers ko :) Mahal na mahal ko po kayo!

@Anchilita: Hoy! Merry christmas Babae! kahit na ginaganun mo ko, Mahal pa rin kita xD :) Salamat sa lahat!

@Joana Medina : Hoy BFFWW! Merry Christmas! Salamat sa lahat! Alabyou! xD

@Lahat ng readers : Merry Christmas po! Mahal na mahal ko po kayo! Suportahan nyo ko hanggang dulo :)

Happy Birthday po God <3

Salamat sa lahat!

-Iska_26 <3

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon