#8

117 4 1
                                    

Summer's POV

Pagkababa ko ng cab, May nakita akong kotse. Syempre kilala ko na kung kanino yun.

"Bakit ang tagal mo?" Sabi niya tapos hinalikan niya ako sa pisngi.

"Ha? May sinabi ka bang hihintayin mo ako sa bahay ko? Tsaka, Trapik kasi, Kamusta na pala yung thesis mo? Tapos na ba?" Sabi habang binubuksan yung gate namin.

Di kami ganun kayaman. Di rin kami ganun kahirap. Kung baga, Tama lang. May second floor kami, Mas gumanda nga bahay namin compare nung dati eh.

Si Claud talaga ang mayaman sa aming dalawa! Grabe ang bahay nun dati! Mansion! Ewan ko na lang ngayon. Malay mo, Mas mansion!

"H-ha? A-ano, Naisip ko na puntahan ka na lang d-dito. M-mas importante ka kasi kaysa sa thesis ko." Sabi niya at halatang bumabanat na naman.

Eto na naman po tayo...

"Naku ka Paul Geoffrey Andrade! Kapag sinabi ng nanay mo na bumaksak ka at di nakagraduate dahil sa akin, Patay ka talaga sa akin!" Sabi ko habang pinag-hahampas siya sa braso at talagang gigil na gigil ako.

He laughed. Tawanan daw ba ako?!Pero infairness! Nakakawala ng pagod ang tawa niya.

"Hahaha. Okay lang naman na kahit di ako makagraduate. Ikakasal pa naman tayo kahit na di ako makagraduate di'ba? Tsaka, Di mo naman kasalanan na bawat segundong lumipas, Ikaw lang ang hinahanap ng mga mata ko hindi ang thesis or anything."

Uminit ang buong mukha ko dahil sa sinabi niya. Pinaghahampas ko ulit siya para lang itago yung pagkakilig ko.

Kahit na lagi akong binabanatan ni Paul, Hindi pa rin ako nasasanay dahil aminin ko man o hindi, Halata pa rin! Halata pa rin na kinikilig pa rin ako hanggang ngayon!

"Hoy! Panget ka talaga! Tigilan mo na nga ako sa kababanat mo! Matutulog na ako kasi feeling ko ang daming nangyari ngayon. Nagkita na ulit kami ng bestfriend ko, Naipakilala na kita sa kanya, Ikakasal na siya."

"What?! Ikakasal na siya?" Sabi niya at halatang nagulat kasi napatayo siya sa pagkakaupo sa kama kong malambot.

Oo. Kama kong malambot. Kahit na di kami ganun kayaman, Tulad nga ng sinabi ko tama lang. Ang ganda kaya ng kama ko! Puro heart!

"Oo. Bakit? Crush mo? Naku ka Paul! Wala kang pag-asa dun! Magpapakasal na sila ng fiancé niya. Sa akin kasi sila nagpa-design ng magiging wedding nila, Katulad ng pangako namin dati. Ngayon ko lang nakita yung fiancé niya, Pero alam mo? May pagkahawig kayo ng itsura. And guess what, Pati ugali! Pareho kayong sweet na medyo cheesy na corny!" Sabi ko at promise! Magkahawig talaga sila.

Di naman pwedeng magkapatid sila kasi wala namang nababanggit si Paul na may kapatid siya.

Ang gulo. Naguguluhan ako. Kayo ba naguguluhan? Ay nako, Miski ako hindi ko na maintindihan sarili ko. Siguro inaantok na rin ako.

"T-talaga? Kilig ka naman! Buti naman at, Inamin mo na rin na sweet ako sayo." Sabi niya.

"Ay nako Paul, Tigilan mo muna ako ngayon, Pagod na ako. Bukas na lang. Ikaw, Matulog ka na rin sa bahay niyo, Good night." Hindi ko na siya pinansin at natulog na ako.

**

"Panget! Gumising ka na diyan! Mag-sisimba na tayo!" Sabi ko habang inaayos ang bag ko.

Kung iniisip niyo na may nangyari sa amin. Na-ah! Never! Gusto ko sa taong papakasalan ko at taong mahal ko. Di porket mahal mo, isusuko mo na ang perlas ng sinilangan! Tama ba? Basta yun na yun!

Back to the story.

Isang linggo na rin pala ang nakalipas simula ng magpaayos ng kasal si Claud.

Kung iniisip niyo na kahapon lang nangyari iyon, Nagkakamali kayo! Haha! Isang linggo na nga ang nakalipas eh. Kulit mo rin?

Balak ni Rain na ikasal sila as soon as possible. Mahal na mahal talaga ni Rain si Claud kaya hangga't maaga pa at wala pang nakakaagaw sa kanya uunahan na niya.

Ito namang si Claud, Parang ayaw pa magpakasal! Di pa siguro handa magkaroon ng asawa. Hahaha!

I can fix their wedding design within in 3weeks. I can do that. Di naman ganoon ka-engrande ang gusto ni Rain. Si Claud talaga ang may gusto ng engrande.

Sabi naman ni Rain, Next year na lang daw ang engrande.

Ay nako! Ang gulo ng dalawang 'yun! Para ngang magkapatid eh! Sarap pag-uuntugin ang ulo dahil sa magulo nilang utak eh!

Pero kung ako ang yayayain ni Paul magpakasal? Papayag ako. Magagawa ko? Mahal ko eh. Pero kung ayaw pa niyang makasal kasi masyado pa kaming bata, Okay lang kung maging fiancé ko muna siya. Para sure na sure na balang araw Kami at kami pa rin ang magpapakasal.

"Hmm. Mamaya na ganda! Inaantok pa ang gwapo." Sagot naman niya.

Akala ko naman babanat na naman ang loko! Puro talaga kalokohan 'to. Bakit ko ba minahal ang lalaking walang ibang alam gawin kundi kalokohan?

Pero kahit na kalokohan lang ang alam gawin nitong mokong nato, Kinikilig pa rin ako sa mga kilos niya! Yiieeh! Kaya Mahal na mahal ko 'to eh!

"Aish! Paul Geoffrey! H'wag ka na nga tamarin! Isang oras lang ihahandog mo sa Diyos para mag-thank you, Di mo pa magawa?! Now get up!" Sabi ko at naiinis na. Tama ba namang tamarin kapag magsisimba?!

Bigla siyang napatayo. Take note: Parang robot kung tumayo sa bilis.

Natawa naman ako

"Eto na po, Panget." Sabi niya at hinalikan ako sa pisngi.

Namula naman ako. Aba 'teh! Kahit na malapit na ko tumanda, Kinikilig pa rin ako! May kalandian pa naman 'tong taong 'to sa katawan.

Dumiretso siya sa banyo. Naihanda ko na ang mga gamit niya.

Ang kulit niyo! Wala ngang nangyayari sa amin! Minsan kasi, Dito nakikitulog si Paul, Kesyo malapit lang ang school nila(Which is true.), Kesyo mamimiss ko raw siya. ASA NAMAN SIYA! If I know namimiss niya lang ako.

"Panget! Hintayin na lang kita sa baba!" Sigaw ko sa kanya.

Pero bago ako bumaba, Biglang tumunog ang cellphone niya.

*Ring, Ring, Ring...*

Sino naman kaya ito? Unknown number? Di kaya....

- -

Pabitin ulit! May napansin ba kayo? Mahilig magpabitin si feeling author! HAHA! Pasensya naman po! Para may maging dahilan pa para maexcite kayo sa next chapter :)

VOTE.COMMENT.SHARE nyo naman para dumami ang readers! :) <3

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon