Claudine's P.O.V
Pagkakita ko sa kanya hindi ko alam ang irereact ko.
After 4 years, Nagkita ulit kami. Akala ko nawala na yung nararamdaman ko, Yun pala, Hindi pa.
Mahal na mahal ko pa rin pala siya.
Pero mahal ko ang mahal ng bestfriend ko.
"Ahm, Claud? Okay ka lang?" Sabi ni Sum at halatang nag-aalala siya.
"A-ah, Yeah. It's nice to meet you P-Paul." Kahit na naiilang ako, Ngumiti pa rin ako.
Siniko siya ni Sum na kinagulat niya.
"A-ahm panget, May gagawin pa pala ako sa... t-thesis. Tama! M-may gagawin pa ako sa thesis. See you later na lang mamaya panget, A-ahm Claud it's nice to meet you." Humalik siya sa pisngi ni Sum at umalis na.
Umiiwas kaya siya sa akin? Pero bakit? Dahil na-iilang siya?
Nagtatakang umupo si Sum sa upuan.
"Pagpasensyahan mo na yung boyfriend ko, Busy kasi yun sa thesis nya, Graduating na kasi," Sabi niya habang nakatingin sa akin.
Hindi ako sumagot, nanatili na lang akong tahimik. Ano naman sasabihin ko? Na 'naku! okay lang sanay na ko sa kanya!'
DUH! Di pa ako baliw para gawin yun.
"Gusto mo na bang umuwi? Bakit di ka nagsasalita?" Sabi niya kasi hindi na ako nagsasalita simula ng dumating si Paul.
"Yeah, Uwi na tayo. Pagod na rin kasi ako eh." Tumango na lamang siya tapos lumabas na kami ng restaurant.
Tinawagan ko si Rain habang naglalakad kami ni Sum palabas ng SM.
"Rain...Yeah, Sunduin mo ko dito, Sa tapat ng SM...Bilisan mo!..Bye."
"So, Magpapasundo ka kay Rain, Akin na number mo, Tawagan kita mamaya." Nagpalitan na kami ng cellphone number tapos nagpaalam na kami sa isa't-isa.
Maya-maya, Dumating na si Rain.
"Bakit ang tagal mo?" Bungad ko nang makasakay ako sa kotse nya.
"Sorry, Pinatulog ko pa kasi si Sky, Hinahanap ka kasi." Hindi na lang ako sumagot.
Tahimik lang siyang nagdadrive habang ako nakatingin sa bintana at inaalala yung nangyari kanina.
Parang kahapon lang ako yung kasama niya. Ako yung hinahalikan niya.
Ngayon, yung bestfriend ko na.
*FLASHBACK*
"baby.." Tawag niya sakin at niyakap ako sa likod.
"Yes?" Paglambing ko.
"Hindi parin ako makapaniwalang tayo na." Sabi naman niya at hinalikan ako sa pisngi.
"Ako rin hindi makapaniwala. Para kasing, ang hirap mong abutin." I said dreamingly.
"Maniwala ka na baby. Nainlove sa'yo ang isa sa mga heartthrob ng school natin." Pagyayabang niya.
"Ang kapal nito!" I chuckled and slap his arm lightly.
"Bakit? Hindi ba totoo? Hindi ba ko gwapo?" Nagdrama pa siya.
Hinarap ko siya at niyakap.
"Kahit siguro ikaw pa ang pinaka-panget sa lahat ng panget, Ako at ako lang ang magmamahal sa'yo nang ganito. I love you, Paul."
"I love you too." Then a kiss sealed our words.
**
Nandito kami ni Paul sa garden ng school at kumakain. Secret lang kasi ang relationship naming dalawa dahil parehas kaming may pinanghahawakan na titulo sa school na 'to.
BINABASA MO ANG
My Bestfriends Soon-to-be Husband
Любовные романыPa-paano kung papipiliin ka sa dalawa? Sino ang pipiliin mo? Bestfriend o Mahal mo? Paano kung mahal ng bestfriend mo ang mahal mo? Kaya mo parin bang ipaglaban ang nararamdaman mo sa mahal mo? Ipaglalaban mo pa nga ba kung ikakasal na silang dalawa...