#4

148 3 2
                                    

Summer's P.O.V

"Oh, Here they are, Sum meet Rain and our child, Sky." Pag-introduce sakin ni Claud nang may pumasok na mag-ama.

"Ma!" Masayang bati nung baby nang makita niya si Claud.

"Sky! Baby!" Binuhat ni Claud yung baby at nilapit sakin. "Sum, baby ko." Nakangiting hayag sakin ni Claud.

"Hello there, Sky! Ang pogi pogi mo naman!" Hayag ko at binuhat si Sky.

"Syempre, Maganda yung mama eh!" Sabi ni Claud.

"Yabang nito! Mas maganda naman ako kesa sayo noh!" Natawa kami sa sinabi ko.

"Hahaha. Ay oo nga pala, Sum si Rain, fiancé ko nga pala.Gaya nga ng sinabi ko kanina, Isa sa dahilan ko kaya kami

pumunta dito kasi nagpaplano kami ng kasal. And I want you to be my wedding designer. Katulad ng pangako natin sa isa't-isa dati, remember?" Sabi niya.

Halatang di nya nakakalimutan yung mga pangako namin sa isa't-isa dati.

I smiled. "Wow! Ang sweet naman ng bestfriend ko! Pa-hug nga!" Tapos nagyakapan kami kasama si Sky.

"Ehem. If you would'nt mind, Can you please proceed with our business here? I'm getting bored in here." Propesyonal na sagot ni Rain habang nakatayo sa tabi ni Claud.

Lumingon si Claud kay Rain.

"Rain! Ano ba naman 'yan? Kita mo namang ngayon lang ulit kami nagkita ni Sum tapos ganyan ka pa!"

Inis na sagot ni Claud.

"Babe, I have some plans today, We'll going out for a date." Wow. Naging sweet ang boses nya kahit pabulong nyang sinabi.

Kung ako si Claud, Kikiligin ako! Pero dahil nga walang ka-sweetan si Claud sa katawan, Imbis na kiligin siya, Tinarayan pa nya si Rain.

"Duh! Di pwede, Magshoshopping pa kaming magbestfriend! At tsaka, Hindi ka ba nasasawa sa mukha ko? You can go wherever you want to go. This day is your free day, Kaya pumunta ka kung saan mo gusto." Sabi nya habang nakatingin kay Sky na karga-karga ko.

"Pero gusto kong pumunta sa puso mo, Pwede ba?" Namula si Claud, Whaah! Ang cute nya! Tsaka,ang sweet ni Rain! Parang si Paul!

Speaking of my heart, Yiieeh! ang cheesy! HAHAHA. Pero speaking nga kay Paul, Hindi pa niya ako tinatawagan. Simula kaninang umaga wala pa akong natatanggap ni isang text saying 'how are you?' or 'good morning'.

Nagtatampo na ko, Miss na miss ko na siya! Ano kayang nangyari dun? Matawagan nga mamaya.

"Rain! Tama na nga sa mga pick-up lines mo! Ang corny eh!" Sabi ni Claud habang pinapalo si Rain.

"Kinilig ka naman eh. Your face is red like apples. How cute!" Tinitigan niya habang nakangiti niyang sabi.

"Hindi naman ah! Ikaw talaga! tigilan mo nga ako! Nakakahiya ka."

Nahihiyang sabi ni Claud.

"But I'm showing my real self here. I'm showing to Summer how I love you. You can't stop my heart beating for you." Nahiyang sabi ni Rain.

Aba! Nahiya pa silang dalawa! Eh parang invisible nga ako dito kung magharutan eh!

"Ehem, Ang daming langgam dito. Kinakagat ba kayo? Ang sweet nyo kasi eh." Matawa-tawa kong sabi.

"S-sum! Yuck! Di kami naglalambingan, Maharot lang talaga 'tong si Rain!" Habang tinuturo si Rain.

"Claud!" Sigaw ni Rain. Natawa na lang kami.

"Anyway, Before I can totally forgot, Let's talk about your wedding." Pormal kong sagot.

At nagusap na kami, Parang mga normal kong cliyente, Gusto rin ni Claud ng perfect na kasal.

Sino ba namang hindi? Minsan lang mangyari yun sa buhay natin eh.

Matapos naming pagusapan ang kasal nila, Pinapalayas ni Claud si Rain, At syempre, Bilang si Rain ay Rain na may ka-sweetan sa katawan, Nahirapan paalisin ni Claud si Rain.

"Rain! We're talking like an hour. Napapagod na ko. Ano bang mahirap intindihin doon sa sinabi ko? Di ko naman siya hahanapin eh, Pagbigyan mo naman ako, Ngayon lang, Please?" Nagmamakaawa na sabi ni Claud, O tingin ko lang yun?

He sighed. "Fine. But just this day lang okay?"

"Yes boss! Just this day lang!" Sabi ni

Claud na parang bata na napapayag na pumunta ng Enchanted Kingdom.

"Hay salamat! Tagal nyo magtalo ah! 21 minutes and 37 seconds yun! Nagtatalo lang kayo ah! Paano pa kaya kapag nagaway? Siguro nagtatagal ng weeks? Anyway, Tara na Claud! Malapit ng mag-gabi, Bye Rain and Sky! See you later!" Sabi ko habang papalabas, Hila-hila ko si Claud.

Habang naghihintay kami ng cab papuntang SM, Bigla nya akong niyakap.

"I really miss you bestfriend! I'm glad I'm back!" Sabi niya at halatang masaya siya.

"I miss you too Claud! H'wag mo na ko iwan ah!" Sabi ko.

"I'll never leave you again best." Sabi niya kaya napangiti ako.

- -

Pabitin! HAHA <3 .

So how was it? Maganda naman ba? Comment niyo naman para ganahan ang author mag-U.D :(

Please!?

Salamat nga pala sa nagbasa,nagbabasa at Magbabasa! At sa mga nag-cocomment! Pati na rin sa nag-vovote! I REALLY LOVE YOU GUYS!

VOTE.COMMENT.FAN.SHARE <3

PLEASE? =)

Thanks in advance :)

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon