#19 -THE Girls POV

86 3 0
                                    

Claudine Manalaysay's POV

"N-naalala mo ba dati? Lagi tayong nag-aasaran nun! T-tapos kapag nagkunyari akong galit after 5 seconds? Mag-sosorry ka na. Tapos..." Umiiyak na kwento ni Summer.

"Pero ang sama sama ng loob ko sayo.. Sigurado ka bang girlfriend kita?" Kanina pa yan sinasabi ni Paul kay Summer.

Naiyak na naman siya. Naaawa na ako kay Summer. Naaawa na ako sa bestfriend ko.

Kung tatanungin nyo ako kung sino ang pinaka-nasasaktan sa aming apat? Si Summer yun panigurado.

Nagulat kasi kami sa sinabi ng doctor. Nagkaroon daw ng amnesia si Paul.

Na possible naman talagang mangyari.

Kaya heto si Summer kakwentuhan si Paul. Pilit na pinapaalala kay Paul ang lahat.

At ang masakit lang, Kanina pa rin siya pinagtatabuyan ni Paul.

"O-oo! Ano ba naman yan Paul. Girlfriend mo ako..Alam kong hindi mo ako agad-agad maaalala pero sana naman pilitin mo rin akong alalahanin."

"S-sum. Tama na muna yan. Kumain ka muna." Kahit na na-iilang ako nagawa ko pa ring tanungin si Sum. Hindi pa siya kumakain simula kanina.

Dinedma lang ako ni Summer.

"Hindi nga sabi kita maalala." Walang emosyon na sabi ni Paul.

"Paul.. Mahal kita. Mahal na mahal! Di'ba nangako tayo sa isa't-isa dati na gagawa tayo ng malaki at masayang pamilya? Sa isang bahay.. Mga anak natin... Tayo.. Tayong dalawa. Paul. Alam kong hindi mo ako agad-agad nakikilala pero sana-" Paul rolled his eyes.

"Sum. Mamaya na yan. Please. Kumain kana. Baka mahimatay ka at-"

"Ano ba Claudine?! Hirap na hirap na nga ako rito isisingit mo pa rin yan? Makakapag-antay naman yan ah! Bakit ayaw mo bang makilala ako ni Paul? Para sayo na siya?! No! I won't let that happen!"

"C'mon Summer. Nakakapag-antay din naman yan! Tsaka..N-nagsisisi na ako. A-ayoko namang magkaganito tayo. I'm sorry. I.. I'm sorry! Patawarin mo na ako." At nailabas ko na ang hinanakit ko. Hindi ko mapigilang hindi maiyak.

Bestfriend ko galit sa akin? Masakit. Hindi ako sanay.

"What?"

"I know. Kasalanan ko ito. Pero naman. Summer. Nagmahal din ako.-"

"Paul. Saglit lang ah. Follow me Claud."

Lumingon muna ako kay Paul bago umalis.

Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa garden ng hospital.

Ang ganda ng lugar. Tahimik at payapa. Wala pang masyadong tao.

Alam ko na ang mangyayari.

"Let's talk Claud."

Tumango ako. Pero after decades wala pa ring nagsasalita sa amin. Nag-papakiramdaman.

"Ah/Ahm" Sabay na sabi namin.

"Ikaw muna!" Sabay ulit.

Natawa ako. Pero siya seryoso lang at nakatingin sa akin.

Ganun ba kalaki ang kasalanan ko para magalit siya ng todo?

"We went here to talk about that not to laugh with you." Seryoso niyang sabi.

"Ganun ba kalaki ang kasalanan ko para magalit ka? Oo magagalit ka pero hindi ko ine-expect na ganyan katindi ang ikakagalit mo sa akin. Sa amin. Pero sa tingin ko sa akin ka lang galit kasi-"

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon