EPILOGUE

137 4 0
                                    

3rd Person's POV

Dear Paul,

Hi. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Pero gusto ko sanang sabihin na hindi ako ang girlfriend mo. Na.. Si Claudine ang girlfriend mo. May anak na kayo. Pasensya na kung sinabi ko na girlfriend kita. Trip ko lang kasi si Claudine. Si Rain. Si Rain talaga ang boyfriend ko. Si Rain talaga ang mahal ko. Kaya H'wag ka ng malilito ha? Si Claudine talaga ang mahal mo.

~Summer.

Nabasa nilang tatlo ang sulat ni Summer.

Si Paul, tinanggap ang katotohanan na wala na talaga silang pag-asa ni Summer kaya tinuloy na lang  niya ang pag-kukunyari niya.

Si Claudine, Kahit sa una hindi ito matanggap ng dalaga, Na nagparaya na naman si Summer para sa kanya.. Para sa ikakaligaya niya.. At sa ikakaayos nilang apat. At sa huli, wala itong nagawa kundi ang tanggapin na lang nito ang desisyon ng kaibigan at respetuhin.

Si Rain na napag-isip isip na mahal nga niya si Summer, Ay piniling maghintay sa dalaga. Talaga namang si Summer talaga ang mahal niya. Nasaktan lamang siya ng sobra kaya siya naghanap ng iba.

Makalipas ang APAT NA TAON...

"Hi baby! Ready ka na ba mamaya?" Tanong ng babae sa kanyang anak.

"Opo mommy! Excited na nga po akong mapanood niyo ni daddy eh!"

"Hahaha. Galingan mo ah? Iche-cheer ka namin mamaya ng daddy mo."

"Sus! Sisiw lang po sa akin yan."

"Aba't! Manang-mana ka talaga sa daddy mo!" Ngumiti na lamang ito sa babae.

Apat na taon na ang lumipas at masaya nang nagsasama sila Claudine at Paul.

*Riiiiing*Riiiiiing*

"Hello." Sagot ni Claudine.

"Hi baby ko!" Lambing naman ng nasa kabilang linya.

"Argh. What?" Pilit na tinatago ng babae ang kanyang pagkakilig sa kanyang asawa.

Oo. Nagpakasal sila.

"Aww. Ikaw naman, Nanglalambing lang asawa mo eh!" Nagtatampong tugon ni Paul.

"Ang tagal mo kasi. Hinahanap ka na ni Sky."

"Tingin ka sa likod mo." Tumingin naman ito.

"What?"

"Hahaha. Ang ganda talaga ng asawa ko."

"I know right. Nasaan ka ba kasi?! Inaasar mo na naman ba ako?!"

"Hahaha." At nagulat ito ng biglang may bouquet na nakatapat sa mukha niya.

"Oh. Kinalimutan mo na. Anniversary kaya natin ngayon."

"Thank you baby." Pa-cute ni Claudine.

Totoong nakalimutan nga niya na anniversary nila ngayon.

"Tss." At tumabi siya sa asawa niya. Hinawakan nito ang kamay ni Claudine.

Kahit na palagi nila itong ginagawa ay hindi niya pa rin maiwasan na kiligin.

Nagsimula na ang palabas.

Isang prinsipe si Sky at kailangan niyang iligtas ang kanyang prinsesa.

Sana ganyan na lang palagi ang buhay. Nandyan ang prinsipe mo para iligtas ka. Lagi siyang nasa tabi at masaya kayo.

Walang problemang iisipin, Kung meron man, Kakaunti lang. Kung paano makakaligtas sa ganito, Kung paano sila magkakasama.

Pagkatapos noon? Happy ending na.

Pero sa totoong buhay, Walang happy ending. Walang prinsesa't prinsipe. Walang 'and they live happily ever after.'

Kung meron man silang ikinatuwa sa mga nangyari? Yoon ay naging mas matatag sila. Mas pinili nilang harapin ang problema kahit may nasasaktan kaysa sa magwalang bahala na lang sila.

Bumalik na lang siya sa wisyo ng nagtayuan ang mga tao at nagpalakpakan.

Nakipalakpak na lang si Claudine.

"Ah baby? Tumawag pala sa akin si Rain at binalitang buntis si Summer." Nagulat ang ito at hindi mapigilang maging masaya para sa kanyang kaibigan.

"Talaga?!" Hindi maitago ang kaligayahan nadadama nito.

"Oo! I'm very happy for them." Ngiting sabi ni Paul.

Totoong nakapag-move na si Paul kay Summer. Tanggap niya talagang si Claudine talaga ang 'the one' ng buhay niya.

Magkasama sila Summer at Rain.

Makalipas kasi ng dalawang taon pagkaalis ni Summer, Hindi pa rin ito bumabalik.

Makakapag-antay naman si Rain pero hindi niya maiwasang mag-alala para sa dalaga.

Wala kasi silang communication kay Summer. Hindi nila alam ang nangyayari kay Summer.

Kaya napagpasyahan ni Rain na sundan ito at hanapin.

Nagbunga naman ang paghahanap ni Rain at panliligaw sa dalaga dahil naging sila na.

At ito nga, Buntis na ito ngayon.

"Whoooh! Ang galing ng inaanak ko!" Nagulat si Claudine ng may sumigaw mula sa likod nila. At dahil nga curiosity kills, Nilingon niya ito.

"Hi Claudine! Hi Paul! Long time no see! Miss ko na kayo!"Napangiti na lang ang mag-asawa ng makita ang dalawa.

Si Rain at Summer.

Alam nilang hindi pa tapos ang journey nilang apat. Pero masaya sila dahil kahit may mga problema pang dadating ay sabay-sabay nila itong haharapin ng magkakasama.

------

AUTHOR'S NOTE! MUST READ!

Whaaaah! Nakatapos na rin ako ng isang story sa Wattpad! Magdiwang tayo guys! :)

Alam kong hindi kayo satisfied sa ending kahit ako rin naman pero yan lang po ang nakayanan ko. Mahirap pala mag-end ng story. Pasensya na. Alam kong bitin 'to. Bitin talaga.

Maraming-maraming salamat pala sa lahat ng nagbasa ng MY BESTFRIEND'S SOON TO BE HUSBAND. Kulang ang Maraming-maraming salamat para pasalamatan ang lahat ng nagbasa at magbabasa pa lamang.

Alam kong hindi siya ganoong kaganda katulad ng mga nababasa niyo pero atleast! I TRIED MY BEST TO WRITE A STORY!  :) Masaya na ako para doon! :)

Maraming salamat kay @Joana Marie Medina na no.1 Fan ng story ko! I really love you BFF!

Kay @Jonalyn De Jesus na sumuporta sa akin! IlABYO BF KO! :D

Kay @Ancel Fontanilla na nagbigay nito! Salamat talaga! :* Mahal na mahal kita!

At sa mga READERS!! Maraming thank you! :) :*

May New Stories nga po pala ako!

Ipopost ko po yung PROLOGUE ng

· I Killed My Girlfriend

AT

· Marrying Rich Girl

Kung sino po ang mas lamang sa READS at VOTES at COMMENTS ay yun ang ITUTULOY KO NA STORY.

I-HOHOLD KO PO ANG ISA DOON.

MAGBIBIGAY PO AKO NG ONE WEEK PARA DOON.

Maraming salamat po ulet! Thank you po kay God. Kahit na minsan ang bagal ko mag-Update! Hehehehe! :*

Hindi po ako magsasawang gumawa ng Stories para sa inyo! :) :*

-Iska_26 ♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriends Soon-to-be HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon