Claudine's POV
MAY NALAMAN AKO.
Sabi kasi ng private investigator ko ay aalis si Paul mamayang hapon papuntang Korea.
Ayon kasi sa P.I Ko, May aasikasuhin kasi siya at kailangan niyang makipag-kita rito.
(A/N: P.I means private Imbestigator.)
Kaya eto ako, Nag-aayos ng gamit at pupuntang Laguna. Ipapasabay ko sa flight ni Paul.
Mag-isa lang akong- Wait.
Did I just said, Mag-isa?
Paano si Sky?
Sinong mag-aalaga sa kanya?
Hindi naman pwedeng si Rain. Ayaw pa naman sa kanya ng bata.
Hindi naman totally sa ayaw. Kung baga, Hindi sila gaanong ka-close. Pero pwede na rin.
Aalis ako ng bansa ng hindi kasama si Sky .
Hindi ko siya pwedeng isama kasi magiging dakilang stalker ako doon.
At ayokong maiwan si Sky mag-isa.
Kasalukuyan kong kinakalkal ang mga contacts ko at nag-hahanap ng kung sino ang pwede.
Kung sino ang pwedeng kasama ni Sky habang wala ako.
Me, Dad, Mom, Paul, Rain,summer, P.I, Yaya.
Me, Dad, Mom,- Wait...
Bakit paulit-ulit? Yan lang ba naging kaibigan ko?
Yung dalawa pa binayaran ko.
Ganoon pala ako kasama dati kaya wala akong kaibigan.
Pero di naman ako ganun kasama.
Sadyang may pagka-mataray ako kaya ganun.
Yun lang.
Yeah right. Selfish na rin.
I don't care anyway.
Kung si Summer na lang kaya?
Di naman siguro magiging masama kung ita-take advantage ko ang kawalang alam ni Summer na may battle between us?
HAHAHAHA.
I'm not that bad right?! ;)
Summer's POV
"Paul. Ilang araw ka namang mawawala? Mag-iingat ka doon ha? Wag mong pababayaan sarili mo. H'wag mo masyadong seryosohin trabaho mo dahil ayokong magkaroon ng baliw na asawa." Sabi ko habang niluluto ang kakainin namin.
Wala sila mama sa bahay kaya kaming dalawa lang ni Paul ang nasa bahay.
"Yes mom. Mas strikto ka pa kesa kay mommy ah. Sigurado ka bang girlfriend kita at hindi mommy?" At humagalpak naman ng tawa ang baliw kong boyfriend.
Napatigil naman siya at halatang may naalala siya.
"Wait nga. Sinabi mo bang Baliw na asawa? Ibig sabihin ba non, Ako ang pangarap mong maging husband ha?" Napalunok ako.
Itinaas ko yung hawak kong sandok.
Inhale. Exhale.
Wag kang O.A Summer.
Wag O.A.
Wag kang kikiligin sa harap ng lalaking ito! Lalaki na naman ang kanyang ulo.
"H-hindi ah. S-sinabi ko yun? B-baka nagkamali ka lang ng d-dinig." Napalunok ako. Feeling ko kakulay na ako ng kamatis ngayon.
Hindi talaga ako marunong sa mga ganito. Taguan ng totoong nararamdaman. Kunyare hindi kinikilig yun naman pala kinikilig. Yung mga ganun.
"Don't deny it. Halata kaya sa mukha mo. Hindi sumasang-ayon ang kilos mo sa sinasabi mo. Hahaha." Sabi nya habang hawak hawak ang kanyang tyan.
"But don't worry panget, I want to marry you. Just wait for me hmm?"
Napalinggon ako.
Napatungo ako.
He will marry me. Soon. :)
Wait.
Bakit akong tumango?!
"Teka nga! Dinadaan mo na naman ako sa mga cheesy lines-" Naputol yung sasabihin ko ng may nag-ring.
*RING* *RING* *RING*
Cellphone ko yun ah.
"Hello? Claudine. Ah-huh. Sige okay lang. Hindi pa naman ako masyadong busy eh. Saan ka ba- Ahh.. Sige ... Bye." binaba ko na.
May pupuntahan si Claudine at Walang magbabantay kay Sky. At dahil Wala naman akong gagawin pumayag na lang ako.
Mukhang kailangan niya eh.
Pagkatapos namin kumain ay nagpaalam na ako kay Paul.
Tatawagan na lang daw niya ako kapag nasa airport na siya.
Wow ha. Parang ang tagal nya mawawala.
Pumunta na ako sa bahay nila Claudine.
Malaki ang pinagbago ng bahay niya. Ang laki na nga eh. Nahiya naman bahay ko.
Nag-doorbell ako at may nagsalita.
"Who are you?" Sabi ng nagsalita.
-___-
"I'm Summer and I'm looking for Claudine."
"Come in."
At nagbukas na ang gate nila. Nahiya ulit ang gate namin.
May nag-guide sa akin at pumunta kami sa isang bahay este kwarto.
"Hi summer. Pasensya kana ha? Salamat nga pala sa pagpayag mo. Thank you! Eto na pala si Sky. And If you need anything or if Sky needs anything, Kindly call Rain. He's just in his room next to this room. Nasa kabila lang ha? Call me if you have a problem. Mamayang hapon na kasi yung flight ko. May aasikasuhin pa ako. Bye! Bye baby." At humalik na siya kay Sky.
Mamayang hapon ang flight niya? Mamaya rin yung kay Paul eh. Baka magkita pa sila sa airport. What a coincidence.
Anyway. Pupunta na lang ako kay Rain para matanong ko mga gustong gawin ni Sky.
Claudine's POV
Haay....
Naaawa naman ako kay Summer.
Hindi niya alam. Unti-unti na siyang tinatraydor ng kainigan nya. Worst, Bestfriend pa niya.
Sana nga lang, Maging mabait si Rain kay Summer. Hindi pa naman yun mahilig sa mga babae.
Maaga akong umalis dahil may kukunin pa ako.
SANA..
MANIWALA NA SIYA.
Alam ko. Naniniwala ako.
Matatanggap din niya si Sky.
At iiwan nya si Summer para sa amin.
Maybe ang pagsunod ko sa kanya ang magbabago sa takbo ng buhay naming apat.
-------
Ansabe ng chapter?! Hahaha. Pasensya na kung ang tagal ng update ah?!
Happy 200+ reads! Salamat sa inyo!
Keep reading and supporting me guys! Salamat! :)
-Iska. MAHAL KO KAYONG LAHAT :D
BINABASA MO ANG
My Bestfriends Soon-to-be Husband
RomancePa-paano kung papipiliin ka sa dalawa? Sino ang pipiliin mo? Bestfriend o Mahal mo? Paano kung mahal ng bestfriend mo ang mahal mo? Kaya mo parin bang ipaglaban ang nararamdaman mo sa mahal mo? Ipaglalaban mo pa nga ba kung ikakasal na silang dalawa...