Summer's P.O.V
"Ma'am Mercedez, nandito na po yung next client niyo." Sabi sa akin ng secretary ko habang nagliligpit ako ng nagkalat na mga papel sa lamesa ko.
"Sige, sabihin mo palabas na ko." Sabi ko habang nag-aayos ng sarili.
"Okay po." Sagot nya at nauna na siyang lumabas.
Pagkatapos ng ilang segundo, Sumunod na rin ako.
May basong nakalapag dun sa mesa na halata namang doon naghihintay ang next client ko.
Naupo muna ako sa tapat dahil wala pa yung client ko. Ang tagal kong naghintay, I think 20 minutes.
Hindi naman sa mainipin ako, Nag-aalala lang ako baka kinain na ng bowl yung new client ko O baka naman niloloko na naman ako ni Angel.
Mahilig kasi yun sa pang-gogood time sa akin. Kahit na secretary ko siya, Di ko naman inaabuso 'no! Dipende na lang kapag trabaho na ang pinaguusapan syempre seryoso na 'ko.
Pagkatapos kong maghintay ng ilang segundo, tumayo na ko. Okay! Napag-tripan na naman ako ng secretary ko. Naisahan na naman ako.
Biglang may nagtakip ng mga mata ko.
"Angel this is not the right time to fool around. Madami pa akong gagawin." Sabi ko.
"Sum," Sabi ng taong nagtakip sa mata ko.
And obviously, Hindi si Angel yun. Kilalang kilala ko yung boses na yun. Ang boses na yun ay ang boses ng taong apat na taong di nagpakita sa akin.
"Claud," Sabi ko tapos humarap ako.
"Sum! I missed you! It's been years, Grabe! anyway, Tara picture tayo!" Natawa na lang ako sa sinabi niya.
Di pa rin siya nagbabago. Siya pa rin ang reyna ng mga mahilig mag-selfie.
"Ano ba naman yan Claud! Panira ng moment! Ang ganda-ganda na nga eh, tapos bigla mong isisingit yung 'picture tayo!'. " Sabi ko habang kunyare nagtatampo.
"Summer Mercedez! Para kang bata! Syempre remembrance di'ba?! " Sabi niya. Ako pa ang bata ah? Sino kaya sa aming dalawa ang MAS isip bata?
"Oo na po. Sabi ko nga eh, Eto na nga oh, tatayo na." Sagot ko para matigil na siya.
Tumabi ako sa kanya. Syempre sa Unang shot, Nakangiti lang. Sa pangalawang shot, Nakadila. Sa pangatlong shot look-up lang ang peg namin ni Claud. At madami pang iba.
Grabe! Namiss ko 'to! Siya lang kasi ang nakakapayag sa akin magselfie. Wala kasi nag-lalakas loob na sabihan ako ng 'picture tayo' kasi it's not my thing, You don't know that? Well, Now you know!
After namin magpicture-picture, Pinaupo ko na siya sa tapat ng inuupuan ko kanina.
Pagkatapos kong inumin yung Juice na pinadala ko kay Angel, Kinausap ko na siya.
"So, How are you? Ang tagal na nating di nagkita. I mean, Kamusta yung baby mo? Cute ba katulad ko?" Sabi ko ng may halong excitement.
"Hahaha. Di ka naman siguro excited 'no?" Patawa-tawa nyang sabi.
Eh bakit ba?! Masisisi nya ba ko? Apat na taon siyang nawala, Tapos wala pa kong balita sa kanya. Di'ba hindi niya ako masisisi? -_____-
"Is'nt it obvious? Ang tagal kaya ng 4 years! Ano yun 4 days lang para sayo? Dali na! Kwento ka na! " Atat na sabi ko.
"Okay! Easy girl, H'wag excited. Hahaha. So ayun nga, Baby boy siya." Sabi nya at halatang masayang masaya siya.
I smiled at myself. Nakakatuwang tignan kapag yung bestfriend mo ay happy and contented sa buhay. Masaya ka na rin kapag masaya siya.
"Talaga?! Naku! I can't wait to see him!" Sabi ko habang nakatodo ang ngiti.
"Actually, Papunta na sila rito." Sabi niya habang nakangiti.
"Talaga- Wait! 'sila' that means.?" Naguguluhan ako. Wag mong sabihin na kambal anak nya?
"Yup." Kampante nyang sagot.
"Whaah! Kambal anak mo?! Huwaw!" Napatayo ako sa gulat.
"Adik! Di kambal anak ko, Isa lang yun. Kasama niya si Ra-Rain." Sabi nya. Rain?
"Who is he?"
"Ahm s-siya? Ama ng anak ko." Nakayuko niyang sabi.
Ama ng anak nya?
"Eh diba sabi mo dati, He's dead?"Di makapaniwalang tanung ko.
"H-ha? Sinabi ko lang yun para di mo na siya sugurin. Baka patayin mo pa siya tapos makulong ka pa, Makonsensya pa ko." Sabi niya na may halong biro.
"Adik ka pa rin, Syempre susubukan kong intindihin sa abot ng aking makakaya." At tumawa kaming dalawa.
"Seryoso na. So may ama ang bata. Kaya ka nandito kasi ikakasal na kayo?" Walang kwenta kong tanong.
"Oo. Gusto ko ikaw ang magplano para sa kasal namin. Kahit ayoko namang ikasal dun." Sabi niya at ang hina ng dulo.
Ano raw? Mahina na ba pandinig ko? Magpapatingin na nga ko sa doctor.
"What? Di ko narinig yung huli mong sinabi!" Sabi ko. Ang hina hina kasi ng boses.
"Walang ulitan sa taong bingi!" Aba't may pa-bhelat bhelat na siya ngayon ah!
"Andaya mo."
"Hahaha," Natigil siya sa kakatawa ng biglang nagring ang Cellphone nya.
"Malapit na raw sila. Wait ka lang Sum, Haha. "Sabi nya.
"Okay." Nanahimik muna ako sa kinauupuan ko. Kakapagod kaya dumaldal!
Pagkatapos ng ilang minuto, Nagsalita ulit siya.
"Oh, Here they are, Sum meet Rain and our child, Sky."
- -
Dahil mabait ako sa mga readers ko, Nag-update agad ako kahit na busy ako :3
@Jonalyndejesus : Dedicated 'to sayo! Ilabyou BF! <3 Salamat !
Para sa next Update: 50 READS! KAILANGAN KO PO :)
Madali na lang 'yan ah?! Please :3VOTE.COMMENT.SHARE PLEASE?! <3
BINABASA MO ANG
My Bestfriends Soon-to-be Husband
RomantizmPa-paano kung papipiliin ka sa dalawa? Sino ang pipiliin mo? Bestfriend o Mahal mo? Paano kung mahal ng bestfriend mo ang mahal mo? Kaya mo parin bang ipaglaban ang nararamdaman mo sa mahal mo? Ipaglalaban mo pa nga ba kung ikakasal na silang dalawa...