Kung alam mo lang sana

384 5 2
                                    


Alam mo pamula ng dumating ka
Akoy lumigaya
Binigyan mong kulay
Ang mundo kong walang buhay

Sa bawat tingin mo
Akoy natutunaw
Sa bawat ngiti mo
Akoy napapasayang tunay

Sana sa bawat ngiti mong iyan
Ay ako ang dahilan
Sapagkat ikaw ang dahilan
Sa pagngiti ko bawat araw

Napakasakit isiping ang ngiti mong iyan ay hindi dahil sa akin
Dahil ang mga ngiting iyan ay hindi para sa akin
Hinihiling ko bawat araw na sana ako na lang sya
Para ang bawat saya na iyong nararamdaman
Ay ako ang dahilan

Pero imposible nga pala na mangyari iyon
Dahil unang una may ibang laman ang puso mo
Ang masakit pa dito
Ay hindi ako ito

Araw araw kong hiling
Na sana ako siya
Na sana sa akin ka masaya n
Na sana sa akin ka

Pero nag papakatanga lang pala ako
Para akong tangang naghihintay sayo
Kahit alam ko naman sa sarili ko
Na walang pag asang maging tayo

Kasi oo nga pala
Pagmamay ari ka na ng iba
Wala na nga pa lang pag asa
Na sa akin ka mapupunta

Kung alam mo lang sana
Magbabago kaya ang tingin sa isat isa
May pagasa nga kayang magkakilala
O tuluyan nang mawawalan ng pagasa

It Hurts💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon