Aasa na lamang ba??

196 5 1
                                    

Original title:Pag-ibig

Hindi ko inaasahang mararamdaman ko ito sayo
Pag ibig nga kaya? Itong nadarama ko
Ang pag ibig kong ito y hindi magbabago
Kaya sana giliw mahalin mo rin ako

Ngunit paano mo ako mapapansin
Kung sa iba ka nakatingin
Hanggang dito na lamang ba
Sa iyo y tumitingin

Sadya bang ganito ang pag ibig
Talagang hindi padadaig
Kahit anong aking gawin
Ikaw pa rin sa puso y tinitibok pa rin

Kahit anong gawin
Ika y hindi mapupunta sa aking piling
Pilit pinanghahawakan ang aking hiling
Na minsan sana y matupad rin

Sana manlang dinggin ang hiling
Na akoy iyong mapapansin
Kahit konting sulyap sa akin
Di mo magawang tumingin

Talaga bang kailangan na kitang sukuan
Dahil ako y patuloy na nasasaktan
Ngunit bakit di ko magawa
Dahil pusoy ikay hinahanap hanap

Ngayon ko lang napagtanto
Sa pagibig moy di mananalo
Dahil may nagmamayari nito
At hindi ako ito

Sana pala matagal ng sumuko
Ng sa dulo y hindi bigo
Tama na talaga dahil sobrang sakit na
Ayoko na wala na ring pag asa

Pero bakit di ko magawa
Kahit sobrang nasasaktan na
Pilit na umaasa
Na sa akin ka sasaya

Hanggang dito na lamang ba ako?
Umaasang sanay mapasayo
Umaasang mapapansin mo
Umaasang mamahalin mo rin ako

It Hurts💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon