Kahit minsan

217 5 1
                                    

Minsan kong naisip
Ikaw ba ay talagang may malabong paningin
O talagang walang interes sa akin
Dahil kahit saang banda ka tumingin
Ako y parang isang hangin

Bakit ba hindi mo ako makita
O sadyang ayaw mo lang akong makilala
Hindi mo kasi alam na akoy nagmamahal
Hindi mo alam na akoy nasasaktan

Minsan kong naisip
Hanggang kelan ko ito kakayanin
Ang makita kang masaya na may kasama kang iba
At ako na miserable sa tuwing wala ka
Dapat ko pa ba itong ipagpatuloy
Kahit akoy nanlulumo
Dahil sa tuwing kasama mo siya
Akoy nadudurog

Pero bakit kahit na anong gawin ko
Ikaw parin ang hinahanap ko
Dahil kapag wala ka hindi ako kumpleto
Hindi ako buo
Kaya sana kahit minsan
Ako sanay mapansin mo
At sanay dumating ang araw na akoy  mahalin mo
Katulad ng pagmamahal na ibinibigay ko sayo

It Hurts💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon