:)

17 0 0
                                    

Magandang umaga
Magandang hapon
Magandang Gabi
Sayo aking minaMAHAL na kaibigan

Di ko alam kung anong oras mo ito mababasa
Kaya ako ay nagsisigurado na
Bumabati ako ng magandang umaga, hapon at gabi
Hiling ko sana ay palagi kang nakangiti

Alam ko na, na kayo ay magkasintahan na
Masakit! Oo sobrang sakit
Na para bang tinutusok ng napakaraming tinik

Ilang araw ko ng nakikita
Mga larawan ninyong magkasama
Tila  kay ganda ng iyong mga tawa
At saya ay nakikita sa iyong mga mata

Ngunit kahit ganun pa man
Ang manibugho ay hindi ko maiwasan
Dalwang taon kitang pinag alayan
Nang pag ibig alam kong walang pahahantungan

Matagal ko na itong gustong sabihin sayo
Ang nararamdaman kong ito ay hindi lang dahil ikaw ay gwapo
Akala ko ay simpleng pag hanga ito
Pero ako ay nalinlang ng mga ngiti mo

Ngayon ay bumalik tayo sa kasalukuyan
Sa panahon kung saan ako ay nananatiling luhaan
Puso ko y nasasaktan ng lubusan
Ng dahil sa pag ibig na ako lang ang nakakaalam

Sikreto kitang minamahal
Sikreto kitang pinagmamasdan
Sikreto akong sumasaya
Sikreto akong nasasaktan

Pero kahit masakit sa aking puso
Hangad ko na ang kasiyahan ay iyong matamo
Sa tingin ko ay masaya ka na
Sa tingin ko ay masaya na kayong dalawa
Ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maiwasan
Ang masaktan at patuloy na lumuha

Siguro ay masaya ka na
Masaya na kayong dalwa sa piling ng isat isa
Ako na lamang ang nakahawak
Sa pag asang akoy iyong makikita

Siguro nga hindi mo talaga ako magugustuhan
Siguro ay hanggang dito na lamang talaga
Hinihiling ko na lamang na ikaw ay manatiling masaya
Kahit para akong  pinapatay habang nakikita kayong dalawa
Siguro ay sapat na, na makita kang nakangiti at nakatawa

Hindi ko pa masasabi na tuluyan na kitang makakalimutan
Ilang taong na din mula ng ikaw ay simulang minahal
Marahil matatagalan bago ka mabura sa aking isipan
Ngunit iyong tatandaan, ikaw ay iniwang pwesto sa aking pagkatao na para sayo lamang

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 14, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It Hurts💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon