Noong una akala ko wala lang ito
Kasi alam ko sa sarili ko
Na may iba akong gusto
Pero noong ito ay napagtanto
Pag ibig ko sa iba ay biglang naglaho
Dahil ito ay napunta sayo
Hindi ko alam kung paano nagsimula
Ang alam ko lang ay minahal na kita
Siguro nga minahal na kita
Dahil sa simpleng ngiti mo lang ako ay nahahawa
Noong panahong akoy gulong gulo
Sino nga ba talaga ang mahal ko?
Yung lalaking nakilala ko ngayon
O yung lalaking kilala ko na noon?
Ngayon alam ko na kung saan nag simula
Dahil sa simpleng titig mo lang ako ay natutunaw
Alam ko na, na ikaw na talaga
Pamula noong akoy iyong lapitan
Natuwa ako sa kakulitan mo
Sa mga pang aasar mo na minsan ay hinahanap hanap ko
Hindi ko alam kung bakit ako nag kakaganito
Ako nga ba ay nahuhulog na sayo?
Sana nga lang ay saluhin mo ako
Sa bawat oras na lumilipas
Pag ibig ko sayo y hindi kumukupas
Ewan ko ba kung bakit ako nagkakaganito
Basta ang alam ko lang ay nagmamahal ako
Pero paano kung itoy iyong malaman
Makalilimutan ba ang pinagsamahan
Ang masasaya bang alaala
Ay kayang bitiwan
Paano kaya kung lumayo ang loob mo?
Kapag nalaman mo ang totoo
Na ikaw ang nasa isip ko
Na ikaw ang laman ng puso ko👉💖
BINABASA MO ANG
It Hurts💔
PoetryMga tula para sa mga CRUSH o MAHAL niyo na kailanman ay hindi pwedeng maging sayo.