I Miss You

142 3 1
                                    


Minsan iniisip ko kung naiisip mo ako
Minsan iniisip ko kung may halaga ba ako
Minsan iniisip ko kung may pag asa ako sayo
Minsan iniisip ko kung namimiss mo ako

Pero Oo nga pala hindi naman ako mahalaga
Isa nga lang pala ako sa iyong mga kaibigan
Pero sana akoy maging iyong ka•ibigan
Pero Itoy hanggang panaginip lamang pala

Alam mo ba na miss na miss na kita?
Pero syempre ikaw naman ay kabaligtaran
Ako lang naman kasi yung nagmamahal
Kaya alam kong ni minsan hindi ako sumagi sa iyong isipan

Pero bakit patuloy parin akong umaasa
Kahit na alam kong wala akong pag asa
Bakit ako yung nagpapakahangal
Habang ikaw ay walang kaalam alam

Miss na miss na kita kung alam mo lang
Pero alam ko naman na ako y hindi mo naalala
Kasi hindi naman ako mahalaga
Basta ang mahalaga sakin ay mahal kita
Kahit na akoy patuloy mong nasasaktan

It Hurts💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon