Kung pwede ko lang aminin
Kung pwede ko lang sambitin
Ang nadaramang gusto kong sabihin
Kahit alam kong akoy masasaktan pa rin
Bakit nga ba ako ung nasasaktan?
Oo nga pala sa ating dalwa ako ang nagmahal
Ay oo nga pala ako lang ang nagmahal
Ako lang yung nagpakahangal sa pagibig na walang pahahantungan
Kasi oo nga pala wala akong karapatan
Kahit puso ay kinikitil ng selos na nararamdaman
Bakit nga ba ako yong pinahihirapan?
Ng sakit na idinulot ng aking pagmamahal
Kasi wala naman akong karapatan
Magselos man ako walang pakialam
Magalit man ako wala lang
Kasi ano bang tingin mo sakin
Hanggang kaibigan nga pala lamang
BINABASA MO ANG
It Hurts💔
PoesíaMga tula para sa mga CRUSH o MAHAL niyo na kailanman ay hindi pwedeng maging sayo.