Kahit Baliwalain

36 0 0
                                    

Bawat oras ikaw lamang ang nasa isip ko
Bawat minuto ikaw lamang ang inaalala ko
Bawat segundo ikaw lang ang nasa puso
Ngunit akoy walang halaga sayo

Nagbigay ako ng mensahe sayo
Ngunit anong ginawa mo
Binalewala mo lang ako
Sa kadahilanang wala naman akong halaga sayo

Pero kahit ganun pa man
Hindi ko pa rin maiwasan
Na isipin kung kamusta ka
At ipinapanalagin na sana ay maayos ka

Ano na kayang nangyare sayo?
Nasa maayos ka ba?
Masaya ka ba?
Yan ang mga tanong na umiikot sa aking isipan

Maaari ko bang malaman?
Mga bagay na wala naman akong karapatang malaman
Kamusta ka na?
Nabatid kong ikaw ay may pinoproblema

Maaari mo akong daingan
Yun nga lang parang di mo ako tinuturing na kaibigan
Nalaman kong may dinadamdam ka
Maaari ka namang magsabi at akoy nandito lamang

Ako ay naririto lamang
Pwede mong sandalan kapag wala kang malapitan
Ako ay naririto lamang
Handang magmahal ng walang kasiguraduhan

Pero oo nga wala akong halaga
Ako lang naman ang may pagtingin sa ating dalwa
Pero sana y maging maayos ka na
Malaman ko lamang na ika y masaya na
Kahit baliwalain ay yae na

It Hurts💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon