Isang araw sinabi ko
Bibitaw na ako
Ngunit parang balewala lang ang sinabi ko
Dahil hanggang ngayon nandito ka pa rin sa puso koNgayon ko napagtanto
Na pagmamahal ko sayo y hindi naglaho
Ni hindi man lang nabawasan ang nararamdam
Dahil puso koy ikaw pa rin ang lamanNoong isang araw ikaw ay aking nakita
Pakiramdam ko ako ay sasabog sa sobrang saya
Nginitian mo pa ako ng ikaw ay makita
Dulot moy saya na sa araw ko ay bumuo naNalaman kong mahal pa rin kita
Mahal na mahal na mahal pa rin kita
Pero siguro alam ko na kung hanggang saan lang
Mamahalin kita kahit akoy hanggang kaibigan langSiguro y ang gagawin ko na lang
Ay maging masaya para sayo
Kahit alam kong sa sayang iyan
Ay hindi ako ang nagpapasaya sayoSiguro ang binitawan ko lang
Ay ang umasang akoy may pagasa
Pero ang pagmamahal na binibigay ko sayo
Ay naandito paMahal na mahal kita
Kaya ngayon alam ko na kung saan ako lulugar
Alam kong kahit kailan
Akoy hanggang kaibigan lamangKaya sana mahal, ikaw ay patuloy na maging masaya
Sapat na sa akin ang makita kitang nakingiti at nakatawa
Sapagkat sapat na ang mga ngiting iyan
Na sa akin ay magbigay saya
BINABASA MO ANG
It Hurts💔
PoezieMga tula para sa mga CRUSH o MAHAL niyo na kailanman ay hindi pwedeng maging sayo.