Sa bawat Pagtatagpo

108 2 1
                                    

Heto na naman ako
Nagaasam na makita ang mga ngiti mo
Mga ngiti mong kay ganda
Na bumubuo sa araw ko

Bawat segundo bawat minuto bawat oras na dumadaan
Ikaw lang ang hinihiling
Sapagkat araw araw gabi gabi
Ikaw lang ang palaging nasa isip

Kahit ano pa man ang gawin ko
Kahit saan ko man ibaling ang atensyon ko
Ikaw lamang at wala ng iba
Ang hinahanap hanap ko

Araw araw kong hinahanap ang presensya mo
Araw araw sa pagpasok bungad sana'y mga ngiti mo
Hanggang sa matapos ang araw ko
Ikaw pa rin ang siyang nasa isip ko

At kapag ikaw ay nakikita
Pintig ng puso'y pagkalakas lakas
Bumibilis ng bumibilis sa bawat araw ng pagkikita
Sapagkat sa bawat pagtatagpo ng ating landas
Araw ko ay binubuo mo na

It Hurts💔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon