Sabi nila pag nasaktan ka ibig sabihin lang nun alam mong magmahal, kasi wala namang tao na nagmamahal pero hindi nasasaktan kasi lahat ng nagmamahal nasasaktan.
Sa lahat ng nagmamahal hindi mo masisigurado kung mahal mo ang isang tao kapag hindi ka nasasaktan, o nagseselos kapag may kasama siyang ibang babae/lalake. Kapag ang saya saya nila, pag lagi silang magkasama, enjoy na enjoy nila ang company ng bawat isa.
Kapag nasaktan ka natututo ka, pag nasaktan ka tumitibay ka, pag nasaktan ka nagbabago ka. Hindi mo kailangang magbago dahil nasaktan ka, dapat magpakatotoo ka lang sa sarili mo dahil kung mahal ka talaga ng isang tao, dapat mahalin ka niya kung ano ka hindi kung anong meron ka.
Kawalan na nila yun kung sinaktan ka nila o niloko ka man nila, wag kang manghinayang dahil kawalan na nila yun. Pinakawalan niya ang isang tulad mo, kaya wag kang magbago para sa kanya, dapat ipakita mo na maling pinakawalan ka niya.
