Wala na

9 1 1
                                    

"Stop saying ""it's just a heartbreak"" because it's not just that.

Sobrang hirap maging broken hearted.
Hindi naman kasi 'yan, isang sakitan lang, okay ka na.
Hindi 'yan isang sagutan lang sa mga katanungan mo, gagaan na pakiramdam mo.
alam niyo 'yun? once na nasaktan ka, hindi 'yun hanggang dun lang.
Araw-araw, andun 'yung sakit na iniwan sa'yo. Hindi ka makakakain, hindi ka makakatulog, hindi ka makakatawa, puro iyak at siya lang ang nasa isip mo.
mahirap rin namang, i-isang tabi mo 'yung nararamdaman mo para sakanya at bigyan ng atensiyon 'yung mga bagay na mas mahalaga.

Oo. May mga araw, masasabi mo sa sarili mo, ""Okay na ko,"" ""Kaya ko namang wala siya eh,"" ""Bakit ko ba kailangan sayangin 'yung time and energy ko sa taong wala namang ginawa kundi iparamdam sa'king 'di ako worthy ipaglaban?"" Pero, kahit anong sabi mo sa sarili mo ng ganyan, darating at darating 'yung oras na, malulungkot ka, maiisip mo 'yung tao, maiisip mo 'yung mga pinagsamahan niyo, maiisip mo, bakit nga ba ulit nangyari 'to sainyo. Worst is, bakit ka ba niya ipinagpalit.
Sobrang dami pa ring tanong sa isip ko na pilit ko nalang sinasagot sa mga nangyayari.

Pero, bakit hanggang ngayon, kahit tanggap ko nang, wala na talaga, tinatanong ko pa rin 'yung sarili ko ng, ""wala na ba talaga?""
Masaya na sila. Pero bakit ako, malungkot. Bakit ako?
Ang hirap palang buuin ng sarili kapag nawasak ka ng wala ka namang ginagawang masama no? Habang siya, nagpapakasaya na feeling niya, ""she's the one"" kasi mas nadalian siya sakanya, ikaw, e'to, pinipilit tanggapin kung gaano ka nga ba naging pabigat sakanya.

Sabi nila, ""kapag nagmahal ka, dapat handa kang masaktan."" Handa naman akong masaktan e. Pero hindi sa ganitong paraan.

Minsan, matatanong mo nalang talaga sarili mo kung, saan ka nga ba nagkulang? kung hindi ka naman nagkulang, saan ka naman sumobra?

Ang hirap palang mag-isa? Kaya siguro ako ganito ngayon, kasi, ibinigay ko 'yung responsibilidad sa iba na mahalin ako. Habang ako, ibinigay 'yung pagmamahal na dapat sa sarili ko, sa taong kayang itapon, kalimutan, palitan 'yung mga bagay na nakasanayan niyong gawin pareho sa loob ng mahabang panahon.

Gusto ko namang maging okay e. Gustong-gusto ko. Lahat ng atensyon ko, nasa ibang bagay na. Pero, ni-isang araw, hindi dumating 'yung oras na hindi ko inisip kung ano bang naging problema. Kung bakit sa isang iglap lang, nawala na lahat. nawala 'yung feelings, nawala 'yung mga pangako, nawala 'yung salitang ""mahal na mahal kita,"" nawala 'yung ""tayo"" at napalitan bigla ng ""sila"" at ""ako"" nalang.
masaya naman ako eh. Pero, ang daming pero.

Ang unfair ng buhay no? Habang ikaw, akala mo, okay ang lahat. Siya, na wala manlang sinasabi or pinararamdam na kung ano, nagbabalak na palang iwan ka dahil sabi niya, gusto niya lang magpakatotoo sa nararamdaman niya.

Ang hirap tanggapin na parang lahat ng tungkol sa'kin, purong kasinungalingan lang. Samantalang, lahat ng tungkol sakanya, pawang katotohanan lang. Kumbaga, siya 'yung kasalanan na hindi niya pinagsisisihan at ako naman 'yung katotohanang pilit niyang tinalikuran.

Sana, puwede nalang hindi maramdaman lahat ng 'to. Sana, hindi nalang nagkaron ng kami. Sana, 'di ko inassume na kami na hanggang dulo. Sana, kung gaano kadaling natapos 'yung saamin, ganun rin kadaling natapos lahat ng nararamdaman ko.

Credits sa UST Files.

loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon