Minsan di natin maiiwasang maghinala sa mga mahal natin kahit na may tiwala tayo sa kanila. Lalo na kung binibigyan nila tayo nang rason para maghinala.
Tulad na lang kapag may nagtext o tumawag sa kanila, bakit pa nila kailangan lumayo para basahin at sagutin yun kung wala naman silang tinatago. Bakit lagi na lang nila sinasabi na "Di mo rin naman kilala yun kahit na sabihin ko" "Wala lang yun" "Wrong send" "Wrong call" "Basta" "Di ko kilala" sino naman di maghihinala kapag ganyan mga sagot nila.
Minsan kahit na sobra sobra ang tiwala nang isang tao sa kaniyang mahal, kung gumagawa naman siya nang ikahihinala nito. Mawawala at mawawala ang tiwala niya sayo.
Kung ayaw mong mawala ang tiwala niya sayo, wag kang maglihim sa kanya, wag kang gumawa nang ikagagalit niya, wag kang gumawa o kumilos nang pwede niyang paghinalaan, and lastly but not the least ipakita mo sa kaniya na wala dapat siyang paghinalaan o ikawalang tiwala sayo. Hindi kasi sapat ang sinasabi mo lang, kailangan pinapakita mo rin.