Complicated

3 0 0
                                    

Yung gusto mong ibalik sa dati ang lahat, yung gusto mong bumalik siya sayo pero di mo alam kung tama bang gawin mo yun. Kasi alam mong may masasaktan, alam mong may masisira kang relasyon kung meron man.

Minsan kahit pwedeng ibalik sa dati ang lahat, mas pinipili na lang natin na wag gawin kasi alam natin yung feeling na nasasaktan. Yung kahit na ayaw mo siyang nakikitang masaya sa iba, gusto mo ikaw ang dahilan nang saya niya. Yung gusto mo ikaw ang hinahanap niya palagi, hindi yung ibang tao. Pero wala eh, di mo magawa gusto mong gawin kc iniisip mo yung mga masasaktan mo.

Bakit kaya umaasa pa rin ang mga tao kahit na wala nang pag-asa? bakit kaya kahit alam nating wala nang maibabalik pa, umaasa pa rin tayo?

Isa lang ang sagot sa mga tanong na yan, talagang mahal mo lang talaga siya at ayaw mo siyang pakawalan kahit na sobra ka nang nasasaktan.

loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon