Hindi naman siguro masamang maglaan ka nang kahit konting oras kung bc ka paminsan minsan sa gf/bf or wife/husband mo. Isa yan sa nagiging dahilan nang hindi pagkakaintindihan at pag-aaway, at minsan nagiging dahilan nang hiwalayan.
Hindi naman kasi mahirap magbigay nang oras sa isang taong napakahalaga sayo kung gugustuhin mo lang. Kasi kung mahalaga siya sau, hahanap at hahanap ka nang pagkakataon para mabigyan mo siya nang oras mo. Kahit kamustahin mo lang siya o kaya naman ipaalam mo na magiging busy ka, sapat na yun.
Pero kung di mo talaga siya mabigyan nang oras mo, uso naman ang salitang BAWI. Bumawi ka sa kanya, pero kung babawi ka man siguraduhin mo na di ka pa huli. Kasi kung hindi mo pinahalagahan ang isang tao, wag ka na magtaka kung mawala na siya sayo kahit na mahal na mahal ka niya. Tao rin siya nasasaktan, nagseselos, nawawalan nang pag-asa.
Kaya sana bago mahuli ang lahat, gawin mo na kung anong dapat mong gawin, hindi yung kikilos ka kung kailan wala na siya. Kasi sino ba naman may gustong, palagi na lang nasasaktan at umaasa.
