Sabi nila pag mahal mo, gagawin mo lahat sumaya lang siya kahit na ang kapalit ay ang kasiyahan mo. Siguro nga manhid, martyr o tanga ka o kung anu ano pang tawag nila dun, pero iisa lang ang dahilan nun mahal mo talaga siya eh. Hindi naman masamang maging manhid, martyr o tanga, kasi ganyan tayo eh di tayo madaling sumuko kung alam nating kaya pa natin.
Pero minsan kailangan mo ring isipin yung sarili mo, hindi masamang pasayahin mo naman yang sarili mo. Oo nga at nasasaktan ka, mahal mo pa siya, di mo siya kayang mawala sayo. Pero naisip mo ba na siguro hindi talaga kayo ang para sa isa't isa, kasi ikaw na lang ang nasasaktan eh. Malay mo may iba pang nakalaan para sayo, may mas deserving para sayo. Yung taong hindi ka hahayaang umiyak kung hindi tears of joy, yung taong lagi kang pinapangiti, yung taong sobra kung mag-alala sayo, yung taong ipaparamdam niya na special ka, yung taong ikaw ang priority niya. Siguro iniisip mo na walang ganun, na wala nang ganun pero tumingin ka sa paligid, maraming masasayang tao, maraming sobrang inlove, at malay mo maging isa ka sa kanila.
Wala kang makukuha sa pagiging manhid, martyr o tanga, hindi ka nila bibigyan nang award diyan. Kung gusto mong sumaya at mawala ang sakit na nararamdaman mo, gumising ka sa katotohanan na wala kang mapapala sa ginagawa mo. Oras na para lumigaya ka na, pagod na pagod na ang mga mata mong umiyak, pagod na pagod na ang mga mata mong makakita nang ikasasakit mo. Oras na para lumaya sa sakit na nadarama, oras na para makawala sa hawla nang pagiging manhid, martyr o tanga.
Lahat nang tao deserving na mahalin at magmahal.