Luha

7 0 0
                                    

Lahat nang tao umiyak na dahil sa lungkot, sa saya at sa takot. Pero karamihan ngayon ay umiiyak dahil sa iniwan sila nang taong mahal nila, maraming nagsasabi na bakit mo pa iiyakan yung taong nang iwan sayo, bakit pag umiyak ka ba babalik siya? babalikan ka ba niya? babalik ba sa dati? mamahalin ka ba niya ulit? kung oo edi sana wala nang salitang "move on" , edi sana wala nang "nasasaktan" "nababaliw" "nagpapakamatay" at "panakip butas".

Pero mas maganda pa ring umiiyak lagi kesa naman sa kinikimkim lang natin sa loob natin yung sakit, mas magandang umiyak na lang kesa uminom, mas magandang maghanap na lang nang makakausap para pag labasan nang saloobin.

Ang problema nga lang kung yung taong iniiyakan mo, kung yung taong may dahilan kaya ka umiiyak ang lagi mong tinatakbuhan kapag kailangan mo nang kausap, yung laging nandiyan para sayo noon, yung laging nakikinig sa mga problema mo, yung laging handa kang damayan sa pag-iyak mo.

Nandiyan na yan eh, nangyari na, hindi na pwede pang ibalik ang nakaraan. Kailangan mo na lang tanggapin na wala na, tapos na, kahit masakit kailangan mong tanggapin ang nangyari, dahil yun na lang ang magagawa mo.

loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon