Masama bang maging masaya? masama bang maghanap nang pwedeng magpasaya satin?
Sa buhay natin kailangan natin nang taong laging nandiyan para satin, laging nagpapasaya satin, laging tumutulong satin.
Pero pano kung yung mga taong yun ay ang dahilan kung bakit ka sobrang nasasaktan ngayon? yung dahilan kung bakit ka nagbago? yung dahilan kung bakit napakahirap nang magtiwala ulit sa sinasabi nang iba.
Maging masaya lang naman ang gusto natin pero bakit ang hirap nating makuha yun? bakit ang hirap maibigay satin yun?
Minsan naiisip nating life is so unfair, pero sabi nga nila every problem have a reason. Pagsubok lang lahat nang nangyayari, para may matutunan tayo. Para bigyan tayo nang lesson, na dapat wag taung magtitiwala kung kani kanino lang, na dapat wag tayong umasa sa iisang tao lang.
Dahil sarili mo lang ang dapat mong pagkatiwalaan talaga, dahil di mo alam kung sinu sino ang magbibigay nang sakit sau.
