Missing

8 0 0
                                    

Minsan feeling natin may kulang satin, yung pakiramdam na hindi mo maintindihan, yung feeling na something inside you is missing.

Siguro dahil nasanay ka sa presence niya, siguro dahil siya lagi kasama mo dati, siguro dahil sa lahat nang bagay siya kasama mo, kakwentuhan mo, kasama mo sa tawanan, iyakan, kapag malungkot, galit at nagtatampo. Nakakalungkot lang isipin na mga alaala na lang mga yun, nakakapanghinayang, pero wala ka na magagawa eh tapos na, di na pwedeng ibalik ang dati, siguro sa iba pwede pang mangyari ulit sa kanila yun, pwede pa silang magbalikan at gumawa nang memories together.

Mapapaisip ka na lang eh, kapag may mahal nang iba yung mahal mo, mapapaisip ka kung ginagawa ba niya sa kaniya yung ginawa niya sayo nung kayo pa, yung sweetness niyo, ganun din ba siya kasweet sa mahal niya ngayon, yung mga ginawa niyo ba dati ginagawaba nila ngayon, yung mga di niyo ba magawa dati nagagawa na nila ngaun. Hindi naman sa umaasa pang magkakabalikan pa kayo, pero nakakapanghinayang lang kasi ang rami niyo nang pinagsamahan, ang rami niyo nang pangarap na magkasama, ang rami niyo nang plano para sa future. Pero mawawala lahat yun dahil wala na kayo, tapos na. Kaya nga maraming nagsasabi na "kung pwede ko lang ibalik ang oras ginawa ko na".

Pero di na pwede kc may mahal na siyang iba.

loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon