Langhapin mo ang hangin.
Malansa ba't masakit sa sikmura?
Kaya mo ba itong tiisin?Inumin mo ang tubig.
Mapait ba ang lasa?
Nagkulay pula ba?Pakinggan mo ang paligid.
Mayroon bang mga hikbi?
Mayroon bang tumatangis?Tumingin ka sa akin.
Nakikita mo ba ang mga sugat?
Hindi pa ba sapat ang mga lamat?Sa huling pagkakatao'y sasambitin ko na --
Sumuko ka noong kailangan kita
Pag'tapos ngayo'y babalik ka --
Wala na ako, wala.
BINABASA MO ANG
Ang Aklat
ŞiirIto ay naglalaman ng mga orihinal na likha, maiikling tula at kotasyon, ng manunulat na nasa likod ng mga akdang narito. Layunin ng "Ang Aklat" na magbigay inspirasyon at magbahagi ng mga karanasang may kaugnayan sa pag-ibig sa masining na pamamaraa...