Napakalambing mo magsalita,
Bagay na kahanga-hanga.
Parang di ka marunong magalit
Kahit pa makaranas ka ng sakit.Napakalambing mo sa lahat
Kaya naman sila sa 'yo'y tapat.
Marami kang mga kaibigan
Na talagang hindi ka iniiwan.Napakalambing mo sa kanya,
Isang bagay na gusto nya.
Naiintindihan mo pa sya
Kaya naman mahal ka nya.Napakalambing mong tao
Sana ay 'wag kang magbabago.
Ipagpatuloy mo lang 'yan---
Ang maging mabuti kanino man.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 2)
Poetry(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 1) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...