Inggit ang tawag sa ipinapakita mo.
Itanggi mo man, halata 'yan sa 'yo.
Kunwari kaibigan o mabuti ka,
Pero ang totoo, salbahe ka pala.Galit ka kapag nalalamangan ka ng iba
Kaya ang para sa kanila ay ginugusto mo pa.
Okey na rin sana kung ginagaya mo lang sila,
Pero hindi ka lumalaban ng patas sa kanila.Sa totoo lang, isa kang inggitera---
Hindi ka masaya sa pag-asenso ng iba.
Balewala sa 'yo kung may masagasaan ka,
Basta makalamang ka, 'yon ang mahalaga.
BINABASA MO ANG
#Hugot Poems (Book 2)
Poesia(Mga tulang bigla na lang sumagi sa isip dahil sa bagay na ginawa o ginagawa.) Please follow me and check out my #Hugot Poems (Book 1) and my first novel, The Right One, on this link: https://www.wattpad.com/story/81000656-the-right-one. Thanks a lo...