Almusal

178 1 0
                                    

Makalimutan ko na lahat, 'wag lang ikaw.
Kailangan kita para sa buong araw.
At dapat ay may kanin ka talaga,
Para masabi kong kumpleto na
Ang lakas at gana ko para magtrabaho
O gumawa ng kahit ano.

Kapag ikaw ay may kasamang kanin
Pwede nang ang kanin ay aking palampasin
Sa tanghalian at hapunan
Na akin din namang kailangan.
Pero syempre kahit tinapay na lang ang mga 'yon,
O kahit anong konting pagkain na di ko dapat itapon.

Sa totoo lang ay pangit ang pakiramdam ko
At parang mabilis mag-init ang aking ulo
Kapag hindi kita natikman
Kaya dapat hindi ko 'to maranasan.
Mahalaga ka sa araw-araw, almusal,
Ikaw ay tulad lang din ng pagdarasal.

#Hugot Poems (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon