Utak at Puso

313 6 2
                                    

Minsan ay hindi magkasundo
Ang ating mga utak at puso.
Kung anumang gusto ng isa
Ay sya namang ayaw ng isa pa.

Tulad dati sa gusto kong lalaki,
Ang puso ko ay sobra syang ipinagmamalaki
Pero ayaw naman syang tanggapin ng isip ko
Na hindi ko alam kung ano ba talagang hanap nito.

Mayroon namang sabi ko na bagay sa 'kin
Kasi sya ang sa isip kong dapat kong mahalin.
Ngunit hindi naman talaga ako masaya
At sa puso ko alam kong hindi pa sya.

Di ba mahirap pagkasunduin
Ang utak at puso kong topakin?
Kailan kaya sila boboto sa isa---
'Yong isang lalaking mamahalin talaga nila?

#Hugot Poems (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon