Ayaw o Gusto?

108 1 0
                                    

Salamat kasi nakita kita kanina,
Ang saya-saya ko lang talaga.
Kapag hindi kita hinahanap,
Saka naman kita nahahagilap.
Bakit nga kaya ganoon, ano?
Para bang pinaglalaruan lang tayo
Kaya naman minsan ay ayaw ko na,
Minsan naman ay sige kaya ko pa.
Susuko na kapag hindi ka nakita,
Pero lalaban uli kapag andyan ka na.
Urong-sulong ang takbo ng isip ko,
Samantalang ang puso ko'y sigurado sa 'yo---
Sigurado itong gustong-gusto kita
Kahit ang isip ko'y pilit itong isinasara.



#Hugot Poems (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon