Sana Lang

446 7 0
                                    

Ilang bansa at karagatan ang pagitan natin
Pero hanggang ngayon ika'y andyan pa rin.
Hanga naman ako sa 'yong pagtyatyaga,
Sana lang sa 'kin ikaw ay may mapala.

Mabait ka, wala ng duda pa roon
At gustong-gusto mo ako kahit noon.
Pero alam mo naman ang sitwasyon ko
Na hanggang ngayon ay iniintindi mo.

Salamat kasi palagi kang andyan,
Ang bagay na parang di ko kayang tumbasan.
Pero maiintindihan ko kung ikaw ay susuko
Sa "atin" na hindi alam kung saan patungo.

Kung darating ang araw na handa na ako
Na talagang magmahal sa taong gaya mo,
Sana lang nandyan ka pa rin para sa 'kin
Para ang puso at mga kamay mo ang una kong aabutin.

#Hugot Poems (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon