Mapagpanggap

175 1 0
                                    

Minsan mahirap magtiwala sa iba
Kahit pa sabihing kaibigan mo sila.
Akala mo hindi ka ipapahamak
Pero sa isang iglap kaya kang itulak.

May taong kung kailan mo kailangan
Ay saka ka naman nito iiwan.
Magbibigay ng walang kwentang dahilan
At aasahang iyo agad pagbibigyan.

Sya 'yong taong magsosorry nga sa 'yo
Pero hindi naman mukhang seryoso.
Kapag hindi mo agad pinakinggan,
Kikilos sya na parang iyo pang kasalanan.

May tao ring akala mo ay matino
Pero nasa loob naman pala ang kulo.
Mabuti kapag iyong kausap at kaharap
Ngunit ang pagkakamali mo pala ang kanyang pangarap.

#Hugot Poems (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon