Third Person Point of View
Dalawang buwan ang nakalipas nang pagkatapos sa insedenteng iyon kay Aiko. Nanatili sya sa loob ng Mansion habang kasama si Ruru doon. Habang si Master Choi ay nasa Japan parin.
Napahawak si Aiko sa kanyang ulo ng maramdaman nya ang sakit. Bumangon sya sa pagkahiga at bigla syang may kakaibanh naramdaman sa kanyang tiyan na parang hinuhukay ito.
Dali-dali syang tumakbo sa Cr ng kanyang kwarto at nasuka doon, hindi nya napansin ang pagpasok ni Ruru sa kwarto nya.
"Aiko?" takang tanong ng bata
Napatingin sya sa batang babae na gulat na gulat.
"Anong nangyayari sayo?" dagdag pa nito. Hindi alam ni Aiko ang isasagot.
Pero kailangan nyang sabihin ang totoo."I'm Pregnant!!" sabay halukipkip sa kanyang mga palad at unti-unting tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata.
"What?" gulat na reaksyon ni Ruru pero deep inside ay nasisiyahan ito.
"Sinong ama?" dagdag na tanong nito pero obviously alam nya naman kung sino."Si Ja-Jasper!" mahinang sabi ni Aiko. "S-si Jasper ka-kailangan kong mahanap si Jasper!" natataranta na ito dahil sa mga nangyayari sa sarili,
"Huminahon ka Aiko, sandali lang tatawagan ko si Master Choi" sabi ni Ruru, napatingin naman si Aiko sa kanya dahil sa sinabi nito.
"Wag!! wag kay Master Choi, madidisappoint sya kapag sasabihin mo" nanghihinang saad ni Aiko "Kailangan kong hanapin si Jasper, kailangan nyang malaman n buntis ako...Ruru please tulungan mo akong hanapin si Jasper!" pagmamakaawa nito sa batang babae. Tumango naman ng huli ang batang babae.
Naunang lumabas si Aiko sa kwarto nya, naiwan naman si Ruru doon na nakatayo, napangisi sya. "Looks like the plan is working"
Paglabas ni Aiko sa Mansion ay dumiretso kaagad sya sa kotse, nakalimutan nya si Ruru na nasa huli....Dali-dali nyang pinaandar ang kotse at pinasibad nya ito.
"Tss..Bitch!" tanging sabi ng batang babae. "Sige, hanapin mo si Jasper at nang unti-unti ko nang magawa ang plano ko."
at tumawa ito ng parang baliw. Kinuha niya ang kanyang cellphone at nagdial doon.
Ilang minuto at may sumagot na sa kanyang tawag."Yes Dear Ruru?" sagot nito sa kabilang linya.
"Did you do your Job?" tanong ni Ruru sa kausap.
.
"Ofcourse, Master Choi right now is in good hands" sagot naman nito.
"You are really the best Kevin"
"As always, by the way, where's my princess?" tanong ni Butler Kevin
"Ow! She's not right here, she said that she would go shopping" pagsisinungaling ni Ruru. Walang nakakaalam ng totoong plano nya. Napapasunod nya si Kevin dahil pinangako nyang ibibigay nya si Aiko sa kanya, sa kanya lamang.
After that tinapos na ni Ruru ang kanilang usapan sa pamamagitan ng pag-end call nito.
"psh! such an ass, asa pa syang magugustuhan sya ni Aiko" bulong naman ng dalaga dito.
------------------------------------
Hindi alam ni Aiko kung saan nya makikita si Jasper, pero nararamdaman niya ang enerhiya ng lalaki. Hindi niya alam sa kanyang isip pero tila ang kanyang mga kamay at paa ay may sariling buhay na parang may ibang kumukontrol sa mga ito.
Ilang minuto pa ay nakarating na sya sa isang hindi kagandahang bahay. Agad syang lumabas sa kotse at naglakad papunta sa puting bahay na hindi niya alam kung kanino.
Kumatok sya sa pintuan, walang nagbukas sa kanya. Kaya kumatok sya ulit. Nung huli naman ay bumukas rin ito at tumambad ang isang babaeng hindi kataasan kay Aiko, maganda rin ito at tanging puting kumot ang takip nito sa katawan.
"Ano po yun?" tanong ng babae sa nakakairitang tono, dahil parang naistorbo ni Aiko ang ginagawa nito sa loob
"A-anjan b-ba si Jasper?" tanong ni Aiko, pero bago pa nakasagot ang babae ay may nagsalita sa kanyang likuran na napagpatulala kay Aiko.
"Babe sino yan?" tanong ng lalaki
"Ewan ko babe hindi ko kilala, ikaw yung kailangan halika dito" sabi naman ng babae kaya lumapit naman ang lalaki sa babae. Nakita nga niya si Jasper, pero hindi niya ito inaasahan, na may kasamang babae. Bakit? Bakit nasasaktan sya sa kanyang nasasaksihan?
"Sino po sila? Ano kailangan nyo saakin?" sabi bigla ni Jasper na nagpabigla kay Aiko. Kumunot ang noo ni Aiko sa sinabi nito, anong nangyayari? Bakit hindi nya na ito kilala?
"Ja-Jasper ako ito, si Aiko!" pagpapakilala niya sa lalaki
"Sorry miss pero kita kilala san ba tayo nagkita?" tanong ulit ni Jasper. Huminto muna si Aiko kung ano ang sasabihin hindi nya pwedeng sabihin napapabilang doon nagkita sa Mafia sa kadahilanan na narito parin ang babaeng nakakumot parin.
"Armor" tanging nasambit ni Aiko. Nakita nya naman na napahinto bahagya si Jasper. Pero bago si Jasper makapagsabi ulit sumungit na ang babae.
"Wag kanang mag-isip pa babe, napapagulo lang ang isip mo nyan." sabi nito kay Jasper at ngayon ang atensyon ay kay Aiko na.
"Hoy! ikaw babae kung ano man ang pinagsasabi mo dyan hindi nya alam, kaya pwede kanang umalis!" at isasara na ang pinto pero pinigilan ni Aiko ito, "Jasper ako ito si Aiko, please magkasama tayo sa Mafia--"
"Hoy! Miss hindi ka nga daw kilala? Unli ka din eh no? umalis kana, stop flirting with my babe!!" at isasara nya nang mapagilan ulit ito ni Aiko, mas malakas parin si Aiko sa kanya kaya madali lang ang pagpigil nito.
"Ano ba?" iritang sabi ng babae, pero si Jasper ay wala paring imik na tila may malalim na iniisip.
Pero nabigla silang lahat sa pagsigaw ng babae,"Aaaarrraayy!! Babe yung baby natin!!!" pagarte nito, bigla naman napatingin doon si Jasper, " Anong nangyari sayo?" tanong ni Jasper sa babae, wala namang imik si Aiko.
Tinuro ng babae si Aiko. Napatingin naman si Jasper kay Aiko."Umalis kana kasi! Hindi mo ba naiintindihan yun? ganyan kaba ka bobo?? umalis kana" bulyaw nito sa kay Aiko, bigla naman naramdaman ni Aiko ang sakit hindi sa physical kundi emosyonal.
Naglakad na sya palabas ng bahay, may halong galit at lungkot ang nararamdaman ng kanyang puso ngayon.
Pagpasok nya sa kanyang kotse ay napahilamos sya sa kanyang kamay, at hindi inaasahang tumulo ang kanyang mga luha."Ang Tanga-tanga ko!" sabay hikbi nito. Hindi nya alam kung saan sya papatungo ngayon, takot syang malaman ito ni Master Choi.
Pinaandar nya na ang sasakyan at pinaharurot papunta sa Mansion
----------------------------------
Jasper's Pov
"Okay kalang babe?" tanong ni Jasper sa kanyang babae. Nangangalang Astha,
"O-Oo babe, sino ba sya ba babe?" Astha
"Ewan ko, hindi ko sya matandaan" sagot naman ni Jasper
"Hayaan mo nalang sya" sabi naman ni Astha. Tumango naman ang lalaki at nag-umpisang naglakad papasok. Bigla namang tumunog ang cellphone ni Astha. Sinigurado muna ni Astha na malayo na si Jasper bago sinagot nito.
"Yes? Oo pumunta sya dito, pero mabuti nalang at matindi ang epekto ng gamot mo.." sabat ni Astha sa kausap sa cellphone.
"Opo, akong bahala sige." at pinatay nya ito."Aish! That kid, akala mo kung sinong matanda"
---------------------------------
Sorry for the long wait.
Please dont hesitate to comment and please vote.
BINABASA MO ANG
Book 1: Im The Samurai Princess [Completed]
ActionShe's a Girl with No care She's a Who is Fragile She's a Girl Who Knows Everything She's A Girl That Treasures Something She's A Girl that Happy Go Lucky She's Strong yet has Weakness She's Brave But Fear can Defeat her She's Nobody....... She's Th...