Chapter 6

7K 155 5
                                    

Ngayon ang araw ng kasal namin ni Zake. Baka kung sa ibang pagkakataon lang ay nagtatalon na ako sa tuwa.

Isang lalaking gwapo, matalino at mayaman.  Ano pa ba ang hahanapin ko. Wala na. Pero dahil iba ang sitwasyon namin kaya wala akong maramdamang saya o kaba. Ni hindi ko man lang ma-appreciate ang ganda ng suot kong gown.

Kahit kanina pa ako pinupuri ng baklang nag me-make up sa akin ay hindi ko na lang pinapansin. Mas nananaig kasi ang takot sa akin sa ngayon.

Isang garden wedding ang kasal namin ni Zake. Kasama sa mga bisita ang mga kaibigan ni Zake na sina Alexus, Light at Kurt. At maging si Kristal ay naroon din, na siyang bridesmaid ko. Wala naman si Megan na ipinagtataka ko. Tinanong ko si Zake pero iling lang ang sinagot nito. Mukhang may problema ang mag asawa.

"Hija, are you ready?" Sumilip si Tita Kate sa kwarto namin ni Zake.

Mula noong lumipat kami dito ay dito na ako tumutuloy. Si Zake naman ay sa kwarto ni Amiel natutulog.

"Ate, ang ganda mo po." Isiningit ni Amiel ang katawan nito sa pinto at kay tita Kate. Kaagad namang nagbigay ng space si tita.

"Ang gwapo naman ng kapatid ko." Sabi ko dito. Lumapit naman ito at tumabi sa akin. Parang pakiramdam ko ay ang bilis lumaki ni Amiel. Baka bukas pag gising ko ay binata na ito.

"Pareho kami ni Kuya, Ate. Ang gwapo din ni kuya. Nagpagwapo siya para daw hindi mo na siya hiwalayan." Ano naman bang kasinungalingan ang pinagsasabi nito kay Amiel.

Noong nakaraan kasi ay lumapit si Amiel sa akin dahil pinapasabi daw ng kuya Zake nito na mahal siya nito. Matutuwa na sana ako, kung hindi ko lang alam na nagsisinungaling lang siya.

"Ikaw talaga. Huwag mong pinapaniwalaan lahat ng sinasabi ng kuya Zake mo. Baka joke lang iyon." Inayos ko ang bow tie niya at sinabihan na siyang lumabas na.

"Breath, Avery. Breath." Bulong ko sa sarili ko.

This is it! I'm really going to marry Zake now. Konti lang naman ang bisita namin dahil na din sa kagustuhan ni Zake. I know that this wedding is fake, pero hindi ko maiwasang maging masaya at matakot.

Iniisip ko rin kung paano ako aakto sa harapan ni Zake at mga kaibigan niya. Naging normal naman ang buhay naming magkapatid nitong mga nakaraang araw. Nag aaral na muli si Amiel pero home schooling na lang ito. While i'm still working as Zake's secretary. Pero pagkatapos ng kasal namin ay baka hindi na ako papasok bilang secretary niya. Dahil babalik na si Lily.

"Ate!" Napalingon ako kay Amiel. Napansin kong nakatigil kami sa gitna ng isle na ginawa nila pasa sa kasal namin. "Lakad na po. Naiinip na si kuya." Nakangiting sabi ni Amiel.

"Ah-eh..." Alanganin akong tumawa.

Noong makalapit kami ni Amiel ay nakangiting tinanggap ni Zake ang mga kamay ko.

Bakit ang gwapo yata ng pagkaka ngiti niya ngayon? Bakit ang gwapo niya? Lalong nakadagdag sa kagwapuhan niya ang white tuxedo na suot niya. Parang napakabango din niyang tingnan.

Palihim kong kinurot ang sarili ko. "Isa lang itong peke, Avery! Walang katotohanan kaya tumigil ka sa ilusyon mo!" Lihim kong pinagalitan ang sarili ko. Nakakaasar lang kasi.

"Are you okay?" Pabulong na tanong ni Zake.

"Ha? Ah oo naman. Okay lang ako. Nagugutom lang kasi ako." I lied. Mula ng makilala ko si Zaka ay naging sinungaling na ako.

"Mamaya kumain ka ng marami." Naka-smirk na naman ito.

The wedding goes smoothly. Isang tipid na oo lang ang sinagot ko noong tinanong ako kung tinatanggap ko ba si Zake bilang asawa. 

His Pretend Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon