Nakamasid lang ako sa mag-ama na masayang nagkwe-kwentuhan sa sala.
Noong nakaraang linggo lang ay neighbour ang tawag ni Zirius kay Zake. Ngayon ay Tatay na.
Mula nang mang galing kami sa mansion ng mga Romero ay nagsimula nang tawagin ni Zirius na Tatay si Zake.
Dahil ipinangako daw ni Zake na ibibigay niya ang Romero Hotel kay Zirius. At sinabi nito sa bata na hindi daw ito titigil hangga't hindi niya ako napapasagot.
"Ate!" Napalundag ako sa gulat noong tapikin ako ni Amiel.
"Ano ba naman Amiel. Bakit ka ba nanggugulat?" Asar na binatukan ko ito.
"Nasusunog na kasi iyong niluluto mo." Tumatawang bumalik ito sa sala habang nakahawak sa batok nitong nasaktan.
Iyon pa ang isa sa kinakainis ko. Ang tagal kong sinusubukan na mag-reach out kay Amiel. Pero kahapon lang ay parang nagkaroon ng himala at bigla na lang itong bumalik sa pagiging masiyahin at malambing.
Lalo akong napasimangot noong makita kong parang uling na iyong tilapiang piniprito ko.
"Tsk. Kasi naman." I murmured.
"Masama ang pakiramdam mo?"
"Ay kabayo tumalon!" Gulat na sabi ko. Bweset talaga itong lalaking ito. Kanina lang ay si Amiel, ngayon naman ay si Zake. Nagiging magugulatin na yata ako dahil sa sobrang pag-iisip.
Malakas na tumawa si Zake. At napatulala na lang ako sa kanya. Ang gwapo niya kasi.
"Seriously?" Tumatawang sabi pa nito.
"Tumawa ka pa. Hanggang sa mamatay ka sa kakatawa. Bweset!" Pinatay ko ang stove at lumabas ng kusina. Masyadong masikip ang kitchen para sa aming dalawa.
"Nay! Para daw po sa'yo sabi ni Tatay!" Patakbong lumapit sa akin si Zirius. May dala itong teddy bear na kulay puti. Na may nakasulat na "I'm sorry" sa dibdib.
"Ano naman akala mo sa akin, bata?" Nilingon ko si Zake na nakangisi lang sa akin. Kumindat pa ito.
"May nabasa akong article sa internet. Ang sabi doon ay kinikilig daw ang mga babae kapag binibigyan sila ng teddy bear. Gusto mo ba mas malaki?" Napakamot ito sa batok nito.
Napailing na lang ako. "Bilhan mo na lang ng pagkain iyang mga bata. Nasunog iyong ulam na niluluto ko." Sabi ko dito.
"Okay sweetie." Sumaludo pa ito. "Saan n'yo gustong kumain kids?" Tanong niya sa dalawa.
Parehong tila nag-isip ang dalawang bata. Si Zirius ay nakahawak pa sa baba nito. Habang si Amiel ay nakalagay ang hintuturo sa sintido nito.
Napailing na lang ako. Hindi ko alam kung anong pinakain ni Zake sa dalawang bakit naging ganyan sila.
"Sa Paradise Kitchen po." Maya-maya ay magkasabay na wika ng dalawa.
"Okay. Paradise Kitchen it is." Pumalakpak pa na sabi ni Zake.
Napailing na lang ako. Bahala nga silang tatlo.
Pabalik na ako sa kitchen para iligpit ang kalat ko ng tawagin ako ni Zirius. "Nay!"
Humarap ako at napatanga ako ng makita ko si Zake sa harap ko. May kagat siyang long stem white rose. What the heck!
"Kinikilig ka na ba sweetie?" He asked. Iniabot niya sa akin ang rose. Pero tiningnan ko lang iyon.
Bumalatay ang lungkot sa mukha niya. Inirapan ko siya. Is he expecting me to accept the flower with my two hands. Never!
Kung ibang babae pa ako, baka kanina pa ako kinikilig sa mga pinag-gagagawa ni Zake.
BINABASA MO ANG
His Pretend Wife (Completed)
General FictionShe was desperate. And so he does. She needed a money. But, he needed something else. She'll do everything for the sake of money. He'll do everything for the sake of the woman he loves. Destiny plays. They met in a very unusual circumstances. He n...