Ilang araw ko ng napapansin ang madalas na paglabas-labas ni Zirius kasama ang Tatay niya. Pinapayagan ko siya dahil bakasyon naman na. Maging si Amiel ay kakaiba din ang ikinikilos.
Gaya na lang ngayon.
"Ate may crush ako sa school." Huh? Kailan pa naging open si Amiel sa mga ganitong bagay. Noon nga, tuwing inaasar ko siya sa mga kaibigan niyang babae ay naiinis siya sa akin.
"Talaga? At sino naman itong crush mo na ito? Maganda ba?" Lumingon ako kay Amiel. Nakangiti ito habang nakatitig sa baso ng juice sa harap nito. Itinigil ko ang pag-aayos ng mga grocery at mataman kong pinagmasdan si Amiel.
Parang kailan lang ang liit-liit pa ni Amiel. Pero ngayon ay nagkakagusto na ito sa babae. Nagbago na din ang timbre ng boses nito.
"Magkaka-crush ba naman ako sa pangit?" Nakangising anito.
"Okay lang na magka-crush ka. Basta hanggang crush lang muna."
"Okay." Tinunga nito ang juice at sumisipol itong lumabas ng kusina.
Dalawa lang kami ngayon sa bahay. Maagang umalis sina Zake at Zirius. Si Rosa naman ay umuwi ng probonsya
Inabala ko muli ang sarili ko sa pag-aayos ng grocery na pinamili ko. Naka-leave din ako sa trabaho. Hindi ko nga alam kung bakit bigla na lang akong pinag-leave ng baliw kong boss. Kailangan ko daw munang magpahinga.
At dahil gusto ko din namang makasama sina Zirius at Amiel kaya hinayaan ko na lang si Alexus Montero sa trip niya. Alam ko naman na pakana din ni Zake ang lahat ng ito.
I wanted to spend more time with my son and my brother. Pero ano ang nangyari? Si Zirius ay halos araw-araw na umaalis kasama si Zake.
Si Amiel naman, kung nasa bahay ay madalas nasa loob ng kwarto niya. O di kaya naman ay lumalabas ito para makipaglaro ng basketball sa mga kaibigan niya. Kaya kataka-taka na kinausap niya ako ngayon.
I heaved a deep breath. Ang isa pang pino-problema ko ay si Zake. Mula ng may mangyari sa amin ay feeling close na siya sa akin. He always kiss me, hug me, and sometimes touch me. Hindi pa kami nagkaka-usap kung ano ba talaga kaming dalawa.
Well, given na, na Tatay siya ng anak ko. Pero, ano ba kaming dalawa? Hindi ko alam. Ilang beses na hindi lang halik ang ginagawa naming dalawa. Minsan ay doon siya natutulog sa bahay. At syempre magkatabi kami. We acted like a couple. Pero ano nga na ang label ng relasyon namin?
"Ate." Napabaling ako kay Amiel ng muli siyang pumasok sa kusina. May hawak itong notebook na nakarolyo at itim na ballpen na ipinapaikot nito sa daliri nito. "Pwede mo bang sagutan ang mga tanong dito? Kung wala ka ng ginagawa." Alanganin pa itong ngumiti.
"Ano ba iyan?" I asked. Sakto namang tapos ko ng iligpit lahat ng pinamili ko.
"Sa kaibigan ko ito. Pinapasagutan niya lang." He opened the notebook and he shows me the page where thr questions was written.
"What is your favourite flower?" Basa ko sa unang tanong.
Naguguluhang tumingin ako kay Amiel. Pero nagkibit-balikat lang ito. "Babalikan ko na lang Ate kapag nasagutan mo na. Pupunta po muna ako sa park. Maglalaro kami ni Ace ng chess." Nagmamadali na itong umalis.
Napatitig ako sa notebook na hawak ko. May sampong tanong doon.
Naiiling na sinagutan ko iyon. Puro basic lang naman ang mga tanong na nakasulat kaya madali kong natapos. Mukhang walang magawa ang gumawa niyon. Mga kabataan talaga.
"Ate tapos na?" Nagulat pa ako ng biglang nagsalita si Amiel. Malakas na napasinghap ako.
"Ano ka ba naman? Bakit ka ba nanggugulat?"
BINABASA MO ANG
His Pretend Wife (Completed)
Fiction généraleShe was desperate. And so he does. She needed a money. But, he needed something else. She'll do everything for the sake of money. He'll do everything for the sake of the woman he loves. Destiny plays. They met in a very unusual circumstances. He n...