"Good morning, Sir." Bati ni Romel kay Zake. Pero napansin kong sa akin siya nakatingin. Tipid ngumiti lang ako sa binata. Tumango lang naman si Zake at kaagad na kumunot ang noo nito ng mapansin na sa akin nakatingin si Romel."Mr. Santos?" Agaw ng pansin ni Zake dito. Magkakasabay kami sa elevator. May private elevator naman kasi si Zake. Hindi ko alam kung bakit naisipan niyang sumabay sa akin.
"Yes Sir?"
"May problema ka ba sa asawa ko?"
"A-asawa n'yo Sir?" Nagtataka naman na tanong ni Romel. Ang alam ko ay sa engineering department siya nagt-trabaho.
"Yes. You were talking to me yet you are staring at my wife." Napatanga pa ako ng hapitin ako ni Zake at halikan ang sintido ko.
"Sorry Sir. Hindi ko po alam na asawa n'yo si Avery." Lalo namang kumunot ang noo ni Zake.
"Mrs. Romero. From now on you will call my wife Mrs. Romero." Kinurot ko naman ang tagiliran ni Zake. Shit naman. Kinikilig ako.
Tumango lang naman si Romel. Mukhang napahiya ito.
Noong bumukas ang elevator ay nagmamadaling lumabas si Romel.
"Bakit mo ginawa iyon?" Tanong ko kay Zake ng maiwan kaming dalawa sa elevator.
"Did what?"
"Hindi mo naman kailangang pahiyain si Mr. Santos." Baka kasi anong isipin nila tungkol sa aming dalawa.
"Hindi ba iyon naman ang tama? Everyone in this company should know that you're my wife." Biglang nagbago ang expression nito.
"Pwede naman siguro nilang malaman sa ibang paraan." Nakakainis na siya.
Nakasunod ako sa kanya hanggang sa loob ng opisina niya.
"At anong paraan? Do you want me to have a party just to introduce you as my wife?" Halata sa mukha nito ang pagka-irita.
Aba! Naiirita din ako sa kanya.
"May sinabi ba akong ganoon?!" Asar na inirapan ko siya. "Oo nga pala. Di mo naman pala ako totoong asawa." Sabi ko. "Sa labas lang ako boss."
Nakasimangot na naupo ako sa harap ng table ko. "Pinagalitan ka ba ni Boss?" Tanong ni Belle. Ang secretary ni Zake. Bumalik na kasi ito.
"Hindi naman." Nakasimangot parin na sagot ko.
"Out of town kasi si Miss Sophia. Mainitin kasi ang ulo ni Boss kapag di niya nakikita si Miss Sophia. Kaya pagpasensyahan mo na."
"Wala na sila ni Sophia." Bigla akong nairita kay Belle. Botong-boto ito kay Sophia.
Nanlalaki ang matang tumingin ito sa akin. "Talaga? Paano mo naman nasabi. Noong nakaraan lang ay magkasama pa sila."
"Dahil asawa ko na si Zake." Sinimangutan ko ito.
She chuckled. "Grabe. Nalipasan ka ba ng gutom?" Muli itong tumawa. "Hindi magandang biro iyan. Boto pa naman ako kay Miss Sophia. Bagay na bagay sila ni Boss."
"Hindi ako nagbibiro. At hindi ako nalipasan ng gutom. Busog na busog nga ako kanina. Breakfast in bed ba naman." Nakangising sabi ko. Naalala ko na naman ang kalokohan ni Zake. Madaling araw na kami natapos sa pagtatalik. Walang kapaguran kasi ang isang iyon. Kaya kaninang umaga ng magising ako ay sobrang sakit ng hita ko. Kaya wala itong choice kung hindi ang dalhan ako ng breakfast sa kwarto.
Okay nga kami kanina. Muntik na ding may mangyari sa amin sa kotse kung hindi ko lang siya naawat. Iyon ang dahilan kung bakit mainit ang ulo nito.
BINABASA MO ANG
His Pretend Wife (Completed)
Tiểu Thuyết ChungShe was desperate. And so he does. She needed a money. But, he needed something else. She'll do everything for the sake of money. He'll do everything for the sake of the woman he loves. Destiny plays. They met in a very unusual circumstances. He n...