Nakayuko si Zirius habang nakikipag-usap ako sa teacher niya. Mabuti na lang din at mabait ang nanay ng batang sinuntok ni Zirius.
"Hindi ko po akalain na aabot sa ganito." The teacher said. "Madalas na talagang tuksuhin ng mga bata si Zirius. Ngayon lang nangyari na may sinaktan siya physically."
Ngayon lang kasi nangyari na nanakit si Zirius. Dati ay simpleng pang-aasar lang din ang iginaganti niya sa bata. O kaya naman ay gumaganti siya sa ibang paraan. Tulad na lang noong nakaraang linggo. Pinatawag ako sa school dahil itinapon ni Zirius ang gamit ng classmate niya sa fountain na nasa harap ng school nila. Nabasa lahat ng gamit noong bata.
Mabuti na lang at pumayag iyong magulang ng bata na palitan ko na lang iyong gamit ng anak nila.
"Ano po ba ang pinagtalunan nila? Bakit umabot sa ganito?" Tanong ni Mrs. Velez. Ang nanay ng batang sinuntok ni Zirius.
"Hindi ko din po alam. Noong tinatanong ko si Zirius ay ayaw naman niyang sumagot.
I heaved a sigh. "Anak, anong pinag-awayan n'yo ni Marco? Bakit mo siya sinuntok?" Tanong ko kay Zirius na nakayuko parin sa tabi ko.
"Sabi po n'ya na hindi ako mahal ng Tatay ko. Isa daw po akong bad na bata kaya ayaw sa akin ni Tatay." Akala ko pa naman ay hindi issue ito kay Zirius. I was wrong. Kasalanan ko ito.
"Marco! Bad ang nagsasabi ng ganoon. Mag-sorry ka kay Zirius." Sabi naman ni Mrs. Velez sa anak niya.
"Pero sinuntok po niya ako Mommy." Sabi naman ni Marco sa ina.
"It was your fault. So, say sorry." Sumimangot ang bata bago humarap kay Zirius. "Sorry Zirius."
"Sorry din." Sabi ni Zirius kay Marco. Alanganin naman akong ngumiti kay Mrs. Velez. "Huwag ka na ulit magsasalita ng ganoon ah. Kung hindi, susuntukin ulit kita."
"Zirius!" Saway ko dito. Tumawa lang naman ang teacher nila Marco at Zirius.
"Friends na lang kayo." Sabi ni Mrs. Velez. Pareho namang sumimangot ang dalawang bata.
Napailing-iling na lang ako.
"Magbehave ka anak. Okay? Papasok lang ako sa work tapos mamaya susunduin din kita."
Tumango si Zirius. "Nay, okay lang ba na makipagkaibigan ako sa ibang bata kahit wala akong Tatay?"
"May Tatay ka naman anak di ba. Hindi lang natin kasama ang Tatay mo kasi may problema kaming dalawa."
"Nay pinuntahan ko po sa bahay niya si Tatay. Nagpakilala po ako. Tapos may kasama po siyang tatlong mama." Napakamot sa batok si Zirius. "Bakla po pala si Tatay kasi lalaki ang asawa niya."
"Ano ba iyang pinagsasabi mo?" Napailing na lang ako.
"Kasi Nay wala pong asawang babae si Tatay. Tapos sabi po niya liligawan ka niya."
Napanganga ako sa sinabi ni Zirius. Ako? Liligawan ni Zake? Imposible. Si Zachary Kelvin Romero manliligaw? Baka manloko pwede pa.
At walang asawa? Nasaan si Sophia? Imposible namang hiniwalayan niya si Sophia.
Nagawa nga niya akong lokohin dahil kay Sophia e.
Well, kasalanan ko naman pala. Kasi nagpaloko ako. Umasa ako na may something sa aming dalawa. Umasa ako na totoo iyong nakikita ko. Umasa ako na totoo iyong mga sinabi niya. Pero umasa lang pala ako sa wala. Kasalanan ko talaga.
"Tapos Nay ang sabi ko kay Tatay tutulungan ko siya kung babayaran niya ako. Ang hiningi kong bayad ay iyong Romero Hotel." Tumatawang kwento ni Zirius.
BINABASA MO ANG
His Pretend Wife (Completed)
General FictionShe was desperate. And so he does. She needed a money. But, he needed something else. She'll do everything for the sake of money. He'll do everything for the sake of the woman he loves. Destiny plays. They met in a very unusual circumstances. He n...