There are some scene that are not suitable for young readers. Rated SPG. Read at your own risk.Maaga akong gumising para tumulong sa paghahanda ng agahan. Nagsasawa na daw kasi ang mga lalaki sa bahay namin. Mga lalaki means, Daddy Zandro, Zake, Zion, and Amiel, sa luto ni Mama Kate.
Mula noong ikasal kami ni Zake ay madalas na akong tumutulong sa pagluluto. Hinahayaan naman ako ni Zake.
Si Amiel ay bumalik sa school. Mas gusto daw kasi nitong pumasok sa school kasya sa bahay. Naiinip ito dahil walang kalaro. Si Zion naman ay madalas ding wala sa bahay. Madalas itong nasa Dubai. May race track kasi itong pagmamay ari doon. Well, ang sabi niya ay isa siya sa may ari. Nagtuturo sila ng mga gustong maging racer.
Isa pa sa isang dahilan ay nagpa-practice ito para sa nalalapit nitong competition sa susunod na buwan.
Si Mama Kate ay may itinayong flower shop. Mahilig pala ito sa mga bulaklak at siya ang nag ayos ng mga bulaklak noong kasal namin ni Zake.
Speaking of Zake, okay naman kami. Parang normal na lang sa amin ang maging malambing sa harap ng ibang tao. Yes. Sa harap ng iba. Dahil pag dalawa lang kami ay nagiging cold na ulit ito.
Palagi nga nitong pinapaalala na pretend wife lang niya ako. Pinapaalala niya sa akin o sa sarili niya. Hindi ko alam.
"Good morning ate." Nakangiting bati ni Amiel. Mukhang ready na itong pumasok sa school. Sanay na din itong minsan ay si Juliet ang umaasikaso dito. Pero minsan ay ako parin ang personal na nag aasikaso sa kapatid ko.
"Good morning!" Nakangiting bati ko. Hinalikan ko ito sa pisngi. Hinanda ko ang pagkain niya para makapasok na siya sa school.
"Good morning hubby." Nakangisi kong bati kay Zake. Alam kong naiinis parin siya sa akin dahil sa ginawa ko kagabi.
Lumapit ako at akmang hahalikan ko siya nang bigla siyang umiwas. "You don't have to pretend, wala naman sila Daddy." Sabi pa nito.
"Nandiyan si Amiel. Ano na lang ang sasabihin niya kapag napansin niya na hindi man lang tayo sweet with each other?"
As if he's looking." Sabi nito at umismid pa.
Gusto kong matawa. Noong maalala ko ang kalokohan ko kagabi.
Inayos ko ang suot kong midnight blue mini dress lingerie na niregalo sa akin ni mama Kate. Ang sabi niya ay mapapadali daw ang pagkakaroon namin ng anak kapag sinuot ko iyon.
Pinagmasdan ko ang itsura sa salamin. Inaamin kong hindi ganoon ka perfect ang katawan ko. Sabi nga ng mga schoolmate ko ay maputi lang daw ako kaya ako maganda.
Medyo hindi ako pinagpala sa hinaharap pero okay lang. Ang importante ay magawa ko ang plano ko ngayon. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng lamig. Halos hubad na ako sa suot ko. Natakpan lang nito ang dapat takpan.
Inisang lagok ko ang wine na nasa goblet. Kumuha ako ng wine sa mini bar kanina. Sigurado akong walang makakapansin na kumuha ako dahil masami naman silang stock na wine doon. Pampalakas loob. Muli akong nagsalin ng alak sa baro at ininom ko iyon. Wala pa naman kasi si Zake.
Ibinaba ko ang bote ng wine na halos kalahati na lang ang laman sa side table malapit sa bed namin. Inisang lagok ko muli ang nasa baso at napangiti ako noong makita kong bumukas ang pinto ng ilaw.
Bahagya akong nahilo noong tumayo ako pero agad naman akong napaayos ng tayo noong makita kong nakatanga sa akin si Zake.
Nginitian ko siya at nilapitan. I kiss him on the lips. God! I feel hot.
BINABASA MO ANG
His Pretend Wife (Completed)
Fiksi UmumShe was desperate. And so he does. She needed a money. But, he needed something else. She'll do everything for the sake of money. He'll do everything for the sake of the woman he loves. Destiny plays. They met in a very unusual circumstances. He n...