Chapter 19

6.4K 142 2
                                    

We're on our way to Paradise Resorts, na pagmamay-ari ng boss ko, Alexus Montero. Maaga kaming sinundo ni Zake kanina. At kung itatanong n'yo kung nag-uusap ba kami. The answer is no. Busy siya sa pagmamaneho at mukhang wala naman siyang planong kausapin ako. At wala din naman akong planong kausapin siya. Isa pa ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya. Di siya na ang may girlfriend. Ako na ang single!

At paano kung naroon pala iyong girlfriend ni Zake? Baka kung ano pa ang isipin niya kapag nakita niya kaming magkasama.

"Tay gutom na po ako." Ani ni Zirius.

"What do you want to eat?" Zake asked our son. "Hindi ba kayo nag-breakfast?" Baling niya sa akin.

Masyado ba naman kasi siyang excited. Exactly 6am siya dumating sa bahay para sunduin kami. At obviously kakagising lang namin. "Hindi." Tipid na sagot ko.

"Why you didn't tell me?" Aba't! Inirapan ko lang siya. Wala ako sa mood para kausapin siya. Isa siyang pa-fall!

Dumaan kami sa isang kilalang restaurant. At masayang kumain ang mga bata. Habang ako ay tahimik lang na umiinon ng inorder ni Zake na coffee. At mukhang alam yata ni Zake na bitter ako. Orderan ba naman ako ng napakapait na kape.

"You want some sugar?" Nakangising tanong nito. At talaga palang sinadya nitong bigyan ako ng napakapait na kape.

I smiled sweetly at him. "No thank you." Zake chuckled.

Habang papalapit kami ng papalapit sa pupuntahan namin ay pabilis naman ng pabilis ang tibok ng puso ko. I'm scared to see the truth. Sabi nila, truth hurts. But for me, it's scary.

Ang sabi ni Amiel ay kasama sa outing ang parents ni Zake, maging si Zion. Maging ang mga kaibigan ni Zake ay makakasama din namin. Pero susunod na lang daw sila mamayang gabi.

"Are you okay?" Gulat na napalingon ako kay Zake ng magtanong siya.

"Ha? Ah..oo naman. O-okay lang ako." Natatarantang sagot. Why I'm acting like this? Si Zake lang naman iyan. Si Zake na mahal ko, na may mahal na iba. Wow! Just wow! Parang gusto kong batukan ang sarili ko. At parang nalasahan ko bigla iyong kape na ininom ko kanina.

"Are you sure?" Tanong muli niya. Bakit parang concern yata siya.

"Oo. Kinakabahan lang kasi ako." Pag-amin ko.

Natatawang tumingin siya akin. "At bakit ka naman kakabahan? It's not like you don't know my friends and my family.

"Hindi naman sila ang iniisip ko. Iniisip ko iyong girlfriend mo. Pupunta ba siya?" Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para itanong iyon kay Zake. Pero mukhang balewala lang naman kay Zake.

Zake chuckled. "Yes. You will meet her later." Anito. Halata sa boses at mukha niya na mahal nga niya talaga ang girlfriend niya. Hindi ko maiwasang hindi mainggit sa babaeng iyon.

Hindi na lang ako muling nagsalita. Baka kasi may masabi pa ako. Gusto ko sanang sabihin na ayaw kong makilala ang girlfriend niya. Pero, baka kung ano pa ang isipin ni Zake.

Pagdating namin sa resorts ay sinalubong kami ng mag-asawang namamahala dito. Nagtatakang napatingin ako kay Zake. Ilang beses na din kasi akong nakarating sa Paradise Resort. And I'm sure na hindi ito ang paradise resort.

"Where are we? Akala ko ba ay pupunta tayo sa paradise resort?" I asked Zake.

"Nasa paradise resort parin po kayo Ma'am. Pero itong part po na ito ay hindi open sa ibang tao." Sagot ng katiwala sa akin.

"Binilinan na po kami ni Sir Alexus na dito kayo sa beach house mag-i-stay." Ani ng babae. "Ako po pala si Sylvia at ito naman ang asawa ko, si Hector." Tipid na ngumiti lang ako sa kanila.

"May iba na po bang dumating maliban sa amin?" Tanong ni Zake.

Naisip ko bigla ang girlfriend ni Zake. Paano na lang kung bigla kaming salubungin ng girlfriend ni Zake at bigla akong sabunutan? Napahawak ako bigla sa ulo ko. Parang gusto ko iyong protektahan. Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Zake pero hindi naman ito nagsalita. Tiyak kong na w-weirdohan siya sa akin ngayon.

Tahimik akong sumunod kay Zake habang hawak ko parin nag buhok ko. "Silly woman." Pabulong na ani ni Zake.

"Kayo pa lang po ang naririto." Tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib ng marinig ko ang sagot ni Mang Hector.

"Wow! Tay, ang ganda po dito." Napalingon kaming lahat kay Zirius ng magsalita ito. "Dito po kayo..." tinakpan ni Zake ang bibig ni Zirius. Ilang beses itong tumango sa bata.

Ano ba ang sinabi ni Zirius? Wala naman. Napailing na lang ako sa inakto ni Zake. Akala ko naman ay ako ng ang weirdo. Mas weird pa pala siya. Isa pa itong si Zirius, akala ko pa naman ay tulog pa siya. Hindi na pala.

Maging ako ay napahanga sa ganda ng lugar. Kaya pala hindi ito pansin kanina dahil natatakpan ito ng mga puno. Nakatayo sa harapan namin ang two storey white beach house. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang infinity pool na tila nakadugtong sa dagat.

"Pasok  na po tayo. And bilin po sa amin ni Sir ay kayo na daw po ang bahalang mamili ng kwartong gagamitin ninyo." Ani ni Sylvia.

At dahil wala naman akong idea kung saan ba ako dapat tumuloy kaya naman sumunod na lang ako kay Zake.

Tumigil kami sa dulong bahagi ng second floor. Nakaharap sa dagat ang bahay kaya naman kahit nasa loob ka ay dinig ang hampas ng mga alon.

"This is your room." Napatingin ako kay Zake.

"Tay! Ang ganda po." Excited na pumasok si Zirius at Amiel sa loob ng kwarto.

"Sa kabila naman ang kwarto ko. Kung may kailangan kayo, just call me."

"Ah..sige." tipid na sagot. Paano kung kasama niya sa kwarto ang girlfriend niya. Baka mamaya awayin pa ako ng girlfriend niya kapag kumatok ako. Baka maabala ko pa sila di ba?

Hinila ako ni Zirius papasok ng kwarto. "Nay ang ganda po dito!" Halata ang galak sa boses ni Zirius.

"Baby, sama ka muna kay Tatay." Kumunot ang noo ko ng magsalita sa Zake. Akala ko pa naman ay umalis na siya. Hindi ko naman akalain na nandito parin pala siya. "Amiel, gusto mo din bang sumama?" Tanong nito kay Amiel na kanina pa tahimik. Parang ang lalim ng iniisip nito.

"Dito na lang po ako."

Pag-alis ng mag ama ay bumaling ako kay Amiel. "May problema ba?" I asked.

He looked at me and shake his head. "Wala ate."

"Sigurado ka? Parang kanina ka pa kasi tahimik."

"Basta ate, kahit ano pong mangyari love po kita." Napakunot ang noo ko dahil sa tinuran ni Amiel. "Pero masaya po ako para sa inyo ni Kuya Zake."

Ha? Naguguluhan ako. Ano ba ang ibig sabihin ni Amiel?

His Pretend Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon