Chapter 14

7.2K 142 0
                                    

Mukhang tototohanin nga ni Zake ang sinabi nitong panliligaw nito. Dahil paglabas namin ng bahay ay nasa labas na si Zake. At mukhang kanina pa ito doon.

Nakatayo ito sa tabi ng itim na land cruiser. Wearing blue polo shirt, faded jeans and black canvas shoes. Nagmukha siyang bata sa suot niya. At hindi parin kumupas ang kagwapuhan nito. Pero syempre hindi ko iyon sasabihin sa kanya.

Sinalubong niya kami ni Zirius at inagaw niya sa akin ang dala ko na bag ni Zirius. "Good morning!" Masiglang bati ni Zake. "Ihahatid ko na kayo." Mahinang pinisil niya ang pisngi ni Zirius.

"Hindi ka po ba busy neighbour?" Tanong ni Zirius sa ama.

"Para sa inyo ng Nanay mo hindi ako magiging busy." Kumindat pa ito sa akin na ikina-ikot ng mata ko. Nagpapa-cute ba siya? Hindi bagay. "Mula ngayon ay ihahatid ko na kayo at susunduin. Okay ba iyon?" Sabi muli nito.

Pinagbuksan niya ng pinto si Zirius at inalalayan niya ang anak na sumakay sa kotse.

"Hindi mo kailangang gawin ito." I said. Hinintay ko munang maisara ni Zake ang pinto sa tapat ni Zirius bago ako nagsalita. Ayaw ko naman kasing marinig ng anak namin na nagtatalo kami ng Tatay niya.

Masyado pa namang matalino si Zirius at siguradong maiintindihan niya ang nangyayari sa amin ng Tatay niya.

"As I told you yesterday, liligawan kita. And this is part of my panliligaw." Nakangiti paring sagot ni Zake.

Nakakainis! Pero ang gwapo niya lalo kapag nakangiti.

"Bahala ka nga!" Pumasok na ako sa kotse niya. I crossed my arms over my chest.

Nakangisi namang pumasok si Zake sa kotse. "Bakit ka po nakangisi Neighbour? Happy ka po bang maging driver namin ni Nanay?" Zirius asked.

"Happy ako na kasama ko kayo ngayon." Sabi naman ni Zake at ngumiti ito sa akin.

I rolled my eyes at him. Gosh!

Pagdating namin sa school ni Zirius ay nauna na akong bumaba. Zake open the door and helped Zirius to get down the car.

Every woman can't help, but stare at our direction. And I know why. Everyone are looking at Zake. I silently hiss as Zake's smile at our son's teacher.

"Good morning Zirius!" She greeted my son. While smiling at the man beside me.

"Good morning teacher. Ito po pala ang Tatay ko. Pero hindi ko pa siya tatawaging Tatay kasi nanliligaw pa lang siya kay Nanay." Madaldal na sabi ni Zirius.

Nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ng guro. What the hell!

Alanganin itong ngumiti. Zake extended his hand for a handshake. "Zachary Kelvin Romero. Zirius's father." I rolled my eyes when the teacher accepted Zake's hand.

Nagpapacute na ngumiti ito kay Zake. "Nice to meet you Mr. Romero." She said.

Nauna na akong maglakad palabas ng school matapos kong bilinan si Zirius. Naramdaman ko naman na nakasunod sa akin si Zake. Akala ko makikipag holding hands na siya sa teacher ni Zirius maghapon e.

Inalalayan nito ang siko ko noong pasakay na ako sa kotse. "You don't have to do that." I said without looking at him. I can smell his natural scent. I know he is just few inches away.

"Just let me."

I heaved a deep breath and look at him. Pero isang pagkakamali ang ginawa ko dahil kalahating dangkal na lang ang pagitan namin. Tumikhim ako at sinubukan kong lumayo pero mabilis akong kinabig ni Zake. He claimed my lips.

Nanlalaki ang mata ko sa ginawa niya. "I miss your lips." He whispered be before he claim my lips again.

I'm planning to kiss him back, cause just like him. I miss his lips also. But he stop.

His Pretend Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon