Chapter 10

6.9K 148 1
                                    

Masaya ako na malungkot. Masaya ako na bumalik na si Nanay. Pero malungkot ako dahil malalayo na sa akin si Amiel. Pinili kasi nitong sumama kay Nanay.

May sarili ng restaurant si Nanay. May nakuha kasi si Nanay na pera mula sa anak ni Karlos. May nabili din si Nanay na bahay at nandito ako ngayon para dalawin ang kapatid ko. Ilang linggo na ang nakakalipas mula noong isama ni Nanay si Amiel.

"Ate! Kuya!" Tumatakbong lumapit sa amin si Amiel. Nakasunod dito si Nanay na may dalang pagkain para sa amin ni Zake. Hindi ko alam kung bakit naisipan ni Zake na sumama.

Naalala ko pa ang reaksyon ni Nanay noong malaman niyang may asawa na ako. Pinagalitan ako ni Nanay at pinagsabihan din nito si Zake.

"Magmeryenda muna kayo." Ibinaba ni Nanay ang dala niya sa harapan namin. "Niluto ko ito kanina. Request ni Amiel." Nakangiting sabi ni Nanay.

"Paborito iyan ni Ate, Nay." Kumalong si Amiel sa akin. Napangiti naman ako. Pero agad din akong napasimangot ng maamoy ko ang ginataang halo-halo na nasa harapan namin.

Tinakpan ko ang ilong ko at nakasimangot na tumingin kay Nanay. "Bakit amoy panis ito Nay?"

"Amoy panis?" Kumunot ni Nanay. "Kakaluto ko lang ito. Mainit-init pa nga." Puno ng pagtataka na nakatingin si Nanay maging si Amiel sa akin.

Si Zake naman ay nagsimula ng kumain. "Hmm..." tumingin ito sa akin na nakakunot ang noo. "This is delicious. Ano po ang tawag n'yo dito Nay?"

"Ginataang halo-halo." Sagot ni Nanay.

"Hindi naman ito amoy panis. Mabango kaya." Sabi ni Amiel na inaamoy pa ang pagkain sa harapan ko.

"Ava, anak sumama ka sandali sa akin." Sabi ni Nanay. "Dito ka lang muna hijo. Kumain ka lang diyan." Tumango naman si Zake. "Samahan mo ang kuya mo dito Amiel."

"Okay po." Tumayo si Ameil at lumipat sa katapat na upuan ni Zake. Nangalumbaba si Amiel at matamang nakatingin kay Zake.

"Saan ba tayo pupunta Nay?" Tanong ko kay Nanay ng akayin ako nito papunta sa second floor.

"Sabihin mo nga sa akin Avery, nitong mga nakaraang araw ba ay nakakaramdam ka ng kakaiba?" Tanong ni Nanay pagpasok namin sa kwarto niya.

"Anong kakaiba Nay?" Naupo ako sa gilig ng bed. Si Nanay naman ay nakatayo sa harap ko.

"Tulad ng pagkahilo at pagsusuka."

"Wala naman po." Naguguluhan ako kay Nanay. Ano ba ang dahilan ng pagtatanong niya.

"Wala? Madalas ka bang inaantok?"

"Hindi naman po." Sumimangot ako. "Ano ba naman iyang mga tanong ninyo Nay? Tinatanong n'yo ba ang mga iyan dahil lang sinabi ko na amoy panis iyong niluto ninyo?"

"Oo." Sabi nito. "Ito anak. Gamitin mo ito."

"Aanhin ko naman ito Nay?" Hawak ko ang pregnancy test kit na binigay ni Nanay sa akin. "Saka bakit mayroon kayo nito?"

"Ang dami mong tanong. Gamitin mo na lang kasi iyan. May instruction naman sa box basahin mo." Nakairap na sagot nito.

Pumasok ako sa banyo para sundin ang utos ni Nanay kahit naguguluhan parin ako. I just followed the instructions written in the box of the pregnancy test kit.

"Two lines. Ang ibig sabihin..." my god! I'm pregnant!

Muntik na akong mapatalon ng marinig ko ang pagkatok ni Nanay sa pinto. "Ava! Tapos ka na ba?"

"Opo." Paglabas ko ay basta ko na lang binigay kay Nanay ang pt.

"Buntis ka? Lola na ako!" Masayang yumakap si Nanay sa akin. "Magpa-check up ka kaagad anak para makasiguro tayo."

His Pretend Wife (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon