CHAPTER 1
Naomi’s POV
Sunday ngayon kaya andito kami sa church. Kasama ko ngayon sina mommy at kuya saying nga lang at wala si daddy :( Hayy.. dapat hindi ako nalulungkot eh. Pagkatapos naming magsimba, nauna nang umuwi si mommy dahil wala daw magbabantay sa bahay kaya kaming dalawa nalang ni kuya ang pupunta sa school para kunin ang mga uniform namin. Habang nagdadrive si kuya bigla siyang nagsalita..
“Mara, sure ka na bang doon ka mag-eenrol pwede naman doon sa Green HighUniversity?” teka.. bakit naman natanong ni kuya ‘to? Tsaka bakit niya ako pinipilit sa ibang school? Pangit ba doon?
“Kuya.. may problema ba? Ayaw mo bang magkapareho tayo ng school?” bigla akong nalungkot doon. Ayaw niya ba ako makasama?
“Hindi. Nagkakamali ka ng iniisip.”
Tinignan ko lang siya ng “eh-ano-look”
“Kasi kapag andoon ka sa Green High University marami kang kasama doon andun yung mga pinsan at mga friends mo doon pero sa Ford Kingdom University wala ni isa kang kilala doon” page-explain ni kuya sakin.
“Kuya, marami naman akong makikilala at magiging friends doon eh. Hwag kang mag-alala” sabay ngiti sa kanya.
“Hayy.. sige na tama na ang drama andito na tayo” Heto talaga sinasabi niyang tama na ang drama eh siya naman ang nagsimula.
Bumaba na kami ng kotse at pagkababa ko napanganga ako..
“Wooaahhh” Grabe ang laki ng school baka maligaw ako dito.
“Isara mo yan Mara baka may pumasok. Haha” Napairap nalang ako at isinara ko na yung bibig ko at baka may pumasok talaga. HAHA.
Pumasok na kami sa loob ng school. Grabe nakakabilib talaga ang school na ‘to.
“Oh dito ka muna, ako nalang ang kukuha ng uniform nating dalawa.”Ano?! Iiwan niya ako dito sa garden ng mag-isa?!
“Pero—” Uso naman sigurong magpatapos ng sasabihin noh? -__-‘
“Gusto mo bang maglakad hanggang doon?” tinignan ko kung saan nakaturo si kuya
O_O
Tinignan ko lang si kuya at ngumiti..
“Sige na po hindi na sasama. Haha. Basta bilisan mo ha.”
BINABASA MO ANG
Ang CRUSH Kong MANHID
Genç KurguLahat naman tayo diba may CRUSH? Pero ano nga ba ang crush para sa inyo? Isa lang ba itong paghanga o mas malalalim pa sa paghanga kumbaga mahal mo na. Minsan hindi natin mapigilan ang nararamdaman natin, hindi natin mapigilang mahalin ang taong y...