Chapter 9: 10 Signs to Prove That You Have a Crush on Him

52 3 0
                                    

Chapter 9

Naomi's POV

 

"Okay class our lesson for today is about.. Crushes" sabi ni maam. Lahat naman sila naexcite dahil sa topic namin. Nag-ingayan na sila at halos magsigawan na. Grabe! Oa much?!

"Class quiet!!" pagpapatahimik niya sa mga maiingay na kaklase ko. "So, para sa inyo ano nga ba ang definition niyo sa crush?" tanong ni maam. Hmm.. Bigla naman akong napaisip dun. Ano nga ba ang crush? Ito ba yung—

"Maam, ito ay isang paghanga sa isang tao" sabi ng isa kong kaklase. At nagtaasan na rin silang lahat. Ako? Eto nakikinig lang sa mga pinagsasabi nila.

"Ito'y isang inspiration. Hoho!" sigaw naman ng isa kong kaklase. Kailangan isigaw? Bingi lang? Bingi?

"Maam! Crush is love like... Calvin" sabi nung girl sabay kindat kay Klein. Landi mo teh! Hiya-hiya din pag may time ha. -__- Inirapan ko lang siya napansin naman nung isa niyang kasama kaya tumayo siya at—

"Maam, when you find attractive to that person it means you have crush on him" sabi niya. Inirapan niya rin ako tapos umupo na. Ha! Di porket Valedictorian ka dito eh papatalo ako sayo. Pwes nagkakamali ka! Nagtaas na rin ako ng kamay at tinawag naman ako ni maam..

"Maam, for me a crush is when you have feelings of adoration for someone. It usually is superficial and based on limited knowledge of that person. But it could turn from a crush into a relationship which leads into love later on though" Ha! Ano ka ngayon?! Nganga. Mas magaling pa rin ako sayo kahit na Valedictorian ka dito.

"Very good sa inyong lahat. And according to Naomi a crush is when you have feelings of adoration for someone but minsan pag lumalim ito ng lumalim pwedeng mapunta ito sa love" sabi ni maam. Pinalakpakan naman nila ako. Haha. Nakikinig naman kaming lahat dahil lahat kami ay interesado sa topic namin. Nagdiscuss lang nang nagdiscuss si maam hanggang sa magbreak na.

**Tambayan**

"Guys! Punta tayo sa green high sa friday, half day lang naman tayo eh for sure maraming chicks dun!" sabi ni Jared habang kumakain. Nagkatinginan naman yung mga boys.

"Sige ba!" sabi nung apat.

"Ako. Hindi na muna" sabi ni Steph habang nakatutok sa cellphone niya. "Same here. Were busy" sabi naman nang dalawa. Tumingin naman sakin si Jared.

"Ikaw Mara?" sasama ba ako? Ano naman gagawin ko doon? Teka.. Green.. High? Hmm.. "Hindi nalang siguro.. May kailangan pa kasi akong gawin" sabi ko nalang kahit wala naman. Pagkatapos naming kumain pumunta na kami sa kanya-kanya naming room. Nagkahiwa-hiwalay na kami ng dadaanan dahil magkakaiba ang mga rooms namin. Pumasok na ako sa room ko pagkadating ko halos andito na silang lahat wala na yatang upuan ah. Tumi-tingin lang ako ng bakanteng upuan hanggang sa may makita na ako. Pumunta na ako dun at umupo.

Ang CRUSH Kong MANHIDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon