CHAPTER 4
Naomi's POV
Pumunta ako sa library hindi para magbasa kundi matulog lang. Gusto ko muna ng peace na sa araw na ito. Umupo ako sa pinakadulo para walang makakita sa akin at para hindi ako mapansin ni miss librarian. Nakaindian seat lang ako tapos pinatong ko yung ulo ko sa wall at pumikit na.
Naalimpungatan ako nang may biglang gumalaw sa tabi ko pagtingin ko kung ano yung gumalaw
O__O
-___-
Bakit andito to? Sisigawan ko na sana siya nang mapansin kong ang sarap ng tulog niya. Pinagmasdan kong mabuti ang mukha niyang natutulog. Ang amo ng mukha niya pag natutulog siya. Ang gwapo--urggh...
*Dug* *Dug* *Dug* *Dug*
Hala! Ano to? Bakit ako nagkakaganito? May sakit na ba ako sa puso? Anong nangyayari sakin? Haay.. Anubayan!!
"Alam kong gwapo ako pero hwag mo naman sana akong titigan baka matunaw ako niyan eh" sabi niya. Omygosh nakita niya akong nakatingin sa kanya pero teka de javu? Kasi nangyari na naman to kanina di kaya siya yung lalaki kanina pero—
"Haay.. Grabe ang dami talagang babae ang nagkakagusto at nagpapantasya sakin " sabi niya at nakangiti ng nakakaloko.
"Grabe ang hangin!! Yabang! Hmp. Diyan ka na nga." sabay walk out ko.
Nakakabwisit! Ang yabang-yabang niya! Nakakainit siya ng dugo! Arrggh!! Pumasok na ako sa room ko. Sana naman hindi ko na makita yung mayabang na yun!! Nakakainis talaga. Pagpasok ko sa room namin nakita ko si Steph na kausap yung apat na mayayabang kanina. Parang close na close si Steph dun sa apat. Para bang matagal na silang magkakakilala. Hindi kaya matagal na talaga silang magkakakilala? Hayy.. Pumunta na ako sa upuan ko at ni-rest ko yung ulo ko sa desk ko. Naririnig kong nagsasalita si Steph at kinakausap ako pero hindi ko nalang siya pinansin. Magsama sila na apat na mayayabang na yan!! Bwisit!! Naramdaman kong may nagpatong ng paa niya sa upuan ko. Arrghh! Wala bang oras na hindi ako maiinis? Iniangat ko yung ulo ko at tumingin sa likod ko.. Ready na akong sumigaw nang biglang
*Dug* *Dug* *Dug* *Dug*
Ano bang nangyayari sakin?! Bakit bumibilis ang tibok ng puso ko? May sakit na ba ako sa puso? Kanina pa to ah. Aissh. Bwisit!! Mukha na naman niya ang nakikita ko. Tinalikuran ko nalang siya at tumingin sa harap. Bakit ganun, hindi ko siya masigawan!! Hindi ako makapagsalita pag nakikita ko siya. Umuurong yung dila ko sa tuwing sisigawan o kakausapin ko siya. Arggh!! Bakit ko ba siya iniisip? Wala akong maintindihan sa sinasabi ni mam. Lutang ako buong klase namin. Ano bang nangyayari sakin?
"Mara, are you okay?" tanong sakin ni Steph. Okay nga lang ba ako? Hayy.. Nag-nod nalang ako bilang sagot sa kanya.
Uwian na namin pero parang wala akong naintindihan sa mga lessons namin. At oo, naglesson na nga kami wala nang getting-to-know-each-other bahala na daw kaming kilalanin sila. Saklap noh? First day na first day nag-aaral na kami. Pero.. Arrgghh!! Nababaliw ba na ako? Wag naman sana sayang naman yung ganda ko pag nagkataon.
"Mara, are you sure na okay ka lang?" tanong ulit sakin ni Steph. Nagnod nalang ulit ako.
"Sige, una na ako sayo ha. May pupuntahan pa ako eh" sabi niya at sumakay na ng taxi.
BINABASA MO ANG
Ang CRUSH Kong MANHID
Fiksi RemajaLahat naman tayo diba may CRUSH? Pero ano nga ba ang crush para sa inyo? Isa lang ba itong paghanga o mas malalalim pa sa paghanga kumbaga mahal mo na. Minsan hindi natin mapigilan ang nararamdaman natin, hindi natin mapigilang mahalin ang taong y...